Dingdong
Dingdong ang laki ng improvement ng pagiging aktor
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - November 4, 2018 - 12:00am

Excited na rin ako sa Cain at Abel, Mama Salve. Maganda ang project dahil alam mo naman iba pa rin ang ibinibigay na flavor ni Dingdong Dantes sa isang proyekto.

First time din na magkakasama sila sa teleserye ni Dennis Trillo kaya dagdag excitement.

At hangang-hanga rin ako sa growth ni Dingdong as an actor. Talagang pati delivery niya ng dialogue iba. Ang laki-laki ng improvement niya na lalo pa sigurong nahasa kung nahawakan siya ng mga batikang sina Lino Brocka at Ishmael Bernal. Kitang-kita mo ang brilliance niya lalo pag kasama ang ibang seasoned stars like Aga Muhlach at Ronaldo Valdez. Hindi siya naa-outshine kahit na nasa gitna siya ng mara­ming artista, a real point para makita mo kung sino ang may star power.

Dingdong Dantes I swear is one of the best actor of today and I can say he will last a long time not only because of his looks and talents kundi dahil sa pagiging very professional niya and being a good person.

Dingdong Dantes will be a name to respect, promise.

Ate Vi hindi mapapantayan

Belated happy birthday sa Star for All Seasons, si Lipa City House Representative Vilma Santos-Recto na nagdiwang kahapon sa Hong Kong ng kanyang 65th na kaarawan, kasama ang kanyang mga mahal sa buhay.

Nag-iisa lang sa showbiz si Mama Vi na successful ang showbiz career at tagumpay sa pagiging public servant.

Mahihirapan ang ibang aktres na mapantayan ang mga achievement ni Mama Vi sa entertainment industry, mundo ng pulitika at public service kaya bagay na bagay talaga sa kanya ang title na Star for All Seasons.

Cesar pinagtawanan lang ang viral video

Magkasunod ang birthday ni Mama Vi at ni Arnold Clavio na nag-celebrate naman ng kaarawan noong November 2.

Hindi pa nagkukuwento si Arnold tungkol sa kanyang mga ginawa noong birthday niya pero sure ako na nag-enjoy siya dahil sa long holiday.

Pinag-usapan ang birthday ni Arnold dahil sa video greeting sa kanya ng man of the hour na si Cesar Montano.

Naka-post sa Instagram account ni Arnold ang pagbati sa kanya ni Cesar with matching apology nito dahil walang hubad na girl sa background.

Marami ang nag-like sa birthday greeting ni Cesar kay Arnold dahil hit na hit sa lahat ang video greeting niya sa isang kagawad ng Sta.Ana, Manila pero may bonus dahil sa biglang pag-apir ng isang hubo’t hubad na babae.

Idinaan na lang ni Cesar sa biro ang pagkalat ng video greeting niya kay kagawad. Hindi siya nag-deny o nag-drama na photoshopped ang video.

May mga nag-search sa pangalan ni kagawad sa social media pero hindi matukoy kung sino sa kanila ang pinadalhan ni Cesar na wow mali na video ng birthday greeting.

Magkaibigan si Cesar at ang pumanaw na singer na si Rico J. Puno. Kung buhay si Rico, sure na katakut-takot ang kantiyaw niya kay Cesar dahil pareho sila na may mga chickboy image.

Mga Pinoy tuloy ang pagiging sutil

Nakakalungkot ang nangyayari sa Boracay dahil sa kabila ng effort ng Department of Tou­rism na mapangalagaan ang isa sa mga sikat na isla sa buong mundo, sadyang marami sa mga kababayan natin ang pasaway.

Ang kawalan ng disiplina ng ibang mga Pilipino ang dahilan kaya mabagal ang pag-unlad ng bansa natin.

Paulit-ulit si Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat sa pagpapaalaala sa mga turista sa mga do’s and don’t bago muling binuksan sa publiko ang Boracay noong October 26 pero umiral pa rin ang pagiging pasaway nila.

Kamay na bakal na ang pinaiiral ni President Rodrigo Duterte sa pamamahala sa bansa natin and yet, kulang na kulang pa rin ang disiplina ng mga Pinoy na pasaway na nga, sila pa ang walang contentment at hindi nawawalan ng mga reklamo.

DINGDONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with