^

PSN Showbiz

Calvin dalawang beses iniwan ng misis bago naging BFF ni Vice Ganda!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Calvin dalawang beses iniwan ng misis bago naging BFF ni Vice Ganda!
Vice at Calvin

Type ko iyon pag-amin ni Vice Ganda na love niya at masaya silang dalawa ni Calvin Abueva Mama Salve hah.       

Ang ganung pag-amin ang mas maa-appreciate mo at mas igagalang mo pa ang relasyon ng dalawa.

Nung una kong narinig ang istorya tungkol kay Calvin na iniwan ng asawa, sumama sa iba, nagbalik at tinanggap uli ni Calvin, tapos iniwan uli sila ng mga anak nila, bigla akong naging fan ni Calvin. Humanga ako sa bait niya bilang asawa, bilang lalaki. Hindi ba napakabait ng isang tao na ang laki ng puso na magpatawad?

Noon pa type na type ko na siya. Ngayon at sinasabi ni Vice na si Calvin lang daw ang basketball player na open at hindi ikinahihiya ang pagiging close nilang dalawa, lalo pa akong humanga sa kanya.

A person, lalo na isang lalaki na open sa feeling niya, na hindi homophobic, na natural ang tingin sa mga pangyayari ay kahanga-hanga at may tapang para sa akin.

Calvin is one man worthy of respect and love.

Bongga ka Calvin, lucky you Vice Ganda. Bongga talaga.

Launching ng Poster ng Jack Em Popoy isinabay sa birthday ni Coco

Ang ganda ng poster ng Jack Em Popoy, ang pelikula nina Vic Sotto, Maine Mendoza at Coco Martin na official entry sa 2018 Metro Manila Film Festival.

 Memorable ang paglalabas ng official poster ng Jack Em Poy noong November 1 dahil ito ang 37th birthday ni Coco.

Rudy at Bong nakakatawang alalahanin

Bigla ako natawa nang maalala ko sila Rudy Fernandez at Bong Revilla.

Kasi noon basta nag-abroad ako lagi sila ang unang nagbibigay ng baon.

Then one time, sabi ni Rudy kay Bong ‘Pare parang unfair, buti pa si Lolit layas ng layas tayo tagabigay lang baon. Hah hah hah.

At dun ko na discover na hindi pala type ni Rudy ang hoodie o t-shirt na may hood. Kasi ugali ni Rudy pag binigyan mo siya ng pasalubong, suot niya agad to show his appreciation. Eh dalawang beses ko siya binigyan hoodie,’di niya ginamit, iyon pala hindi niya gusto style ng hoodie.

Si Bong tuwang-tuwa pag give mo ng fruits, akala mo naman hindi mabibili dito.

Ang dalawang ito ang talagang mababaw ang kaligayahan, they really show na na-touch sila sa mga ginagawa mo sa kanila.

Saka tuwang-tuwa sila pag naririnig na nagbiyahe ka, pagdating mo tanong agad nila kung maganda iyon lugar, kung maayos.

Mas mahilig gumala si Bong, si Rudy hindi masyado lalo pag abroad, mas gusto niya bakasyon dito sa atin.

Hay naku, ewan ko ba, lagi may flashback ako ngayon, talagang melancholia ang drama ng katawan ko dahil siguro sa panahon. Memories. Memories. Sabi nga nila, dapat ipunin mo lahat ng magagandang memories sa utak mo, dahil later baka ‘di mo na maalala, sayang ‘di ba Mama Salve.

Christian todo ang pasasalamat kay Direk Chito

Ang haba ng pasasalamat ni Christian Bables sa lahat ng mga tumulong sa kanya nang manalo siya na best actor sa 5th Hanoi International Film Festival sa Hanoi, Vietnam noong October 31, 2018.

Sinamantala ni Christian ang pagkakataon dahil overwhelmed na overwhelmed siya sa international acting award na napanalunan.

Kasama si Chito Roño at ang Regal Entertainment Inc. sa mga pinasalamatan ni Christian.

Nanalo si Christian na best actor sa HANIFF dahil sa acting niya sa Signal Rock, ang pet project ni Chito Roño na puring-puri ng audience at film critics.

Malaki ang utang na loob ni Christian kay Chito dahil ito ang pumili sa kanya para magbida sa Signal Rock.

“Thank you for gambling, for the love and most of all for your trust. Napagkatiwalaan at minahal ako ng isang Chito Roño. Habambuhay ko yang dadalhin direk. Mahal kita at salamat po ng madami Direk,” ang thank you message ni Christian kay Chito na talagang bilib sa acting niya.

May mga nagtataka naman dahil hindi kasali sa mga pinasalamatan ni Christian ang mag-asawang Perci Intalan at Jun Lana na nagbigay sa kanya ng malaking break sa Die Beautiful.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with