^

PSN Showbiz

Priscilla, deadma na sa pagiging lapitin ng babae ni John

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Priscilla, deadma na sa pagiging lapitin ng babae ni John
Priscilla Meirelles

Katulad ng ibang mga mag-asawa ay nakararanas din ng mga problema sa kanilang relasyon sina John Estrada at Priscilla Meirelles. Ayon sa asawa ng aktor ay tinatawanan na lamang nila minsan ang mga pagsubok na kanilang kinakaharap. “We have like this relationship, he actually sometimes says, ‘Grabe ka ha, that’s why I love you, you’re so funny.’ You know I say the right things, the truth, but you know, we also get to laugh about it. At the end of the day, nobody is perfect. No relationship is perfect. There is no perfect marriage, ” nakangi­ting pahayag ni Priscilla.

Mula pa noong una ay tanggap na raw ng dating beauty queen na talagang habulin si John ng mga kababaihan pero hindi na ito naging hadlang sa kanilang samahan. “Pero ‘yung nature ng babae, nature ng lalaki, it’s very different. I’m not a hypocrite, I don’t know. I hope he’s been telling me for years that he’s behaving. ‘yon ang sinasabi ko sa kanya, ‘Kung mayroon kang ginagawa na hindi maganda eh bahala si Lord sa ‘yo eh. You’re not my problem.’ Parang gano’n lang,” natatawang kwento ni Priscilla.

CJ, may gustong ipatikim na putahe sa lahat

Bukod sa pagiging artista ay abala rin si CJ Navato sa pagkuha ng kursong culinary arts. Hilig daw talaga noon pa man ng dating child star ang pagluluto. “I really love cooking. I like working in the kitchen. I’ve been studying it for two years now. Medyo unstable ‘yung subjects ko no’ng una. So ngayon pa lang ako medyo nagiging fully loaded sa classes. Actually ang tagal ng path ko to realizing kung ano talaga ‘yung gusto ko gawin sa buhay ko. Nag-look back pa ako sa past ko kung ano ginagawa ko, ‘yung mga simula bata ako. Naalala ko ‘yung sinasabi ng lola ko na, ‘You don’t over cook the egg. You can eat it malasado,” pagbabahagi ni CJ.

Maraming mga putahe na ang kayang gawin ng aktor. Pero may isang pinakagusto si CJ na kanya raw maipagmamalaki sa lahat ng titikim nito. “I really want to be a chef. Naging mahilig din ako kasi nanonood ako ng Master Chef, mga cooking shows. I really love steak. I’m a steak person so ‘yon ‘yung pinakagusto kong i-serve ‘pag lulutuin ko para sa isang tao na ayokong ma-disappoint siya, steak talaga,” paglalahad ni CJ.

vuukle comment

PRISCILLA MEIRELLES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with