Baby Tali ‘Ate’ ang tawag kay Pauleen
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - November 1, 2018 - 12:00am

Abala na si Pauleen Luna sa paghahanda sa first birthday ng baby nila ni Vic Sotto na si Baby Talitha.

Magwa-one year na si Baby Talitha sa November 6, pero sa November 11 ang celebration na gagawin sa isang clubhouse sa village na tinutuluyan nila sa Laguna.

Swimming party daw ang concept na alam naman ni Pauleen, hindi pa ito ma-appreciate ng baby nila. Pero kailangan daw nilang mag-celebrate sa first birthday nito.

“Makiki-birthday na rin ako, saka si Paulina,” pakli ni Pauleen.

November 10 kasi ang birthday ni Pauleen, at November 9 naman ang isang anak ni Bossing Vic na si Paulina. Kaya sasabay na lang daw sila sa birthday party ni Talitha.

Mga close friends at pamilya lang ang imbitado, pero marami na rin daw sila dahil sa Sotto clan pa lang mapupuno na tiyak ang venue.

Tuwang-tuwa si Pauleen na malaki na raw talaga ang ipinagbago ng baby nila.

Habang tumatagal, lalong guma­ganda ang bagets at natatawa na lang si Pauleen na wala na raw gaanong namba-bash. “Napagod na rin siguro sila,” pakli nito.

Hindi na rin daw siya apektado, pero minsan sobra naman daw talaga kung makapanlait kaya pinapatulan niya. Iyun pala nagpapapansin lang at natutuwa na silang nasagot sila ni Pauleen.

Ilan sa mga video ni Talitha na ipinakita sa akin ni Pauleen ay yung tinuturuan daw niyang magsalita ng “Mama”, pero “Ate” ang lumalabas sa bibig ng anak niya. Kaya tawang-tawa si Pauleen na “ate” ang tawag sa kanya ng kanyang anak.

Hindi maitatangging Daddy’s girl si Talitha dahil ang dali raw bigkasin ng “Daddy” kaya kinikilig naman si Bossing.

“Kuhang-kuha na kasi ni Tali ang ugali ni Vic. 100 percent talaga ugali na ng Daddy niya. Yung tahimik lang na akala mo suplada, pero pag sa bahay ang ingay niya,” natatawa pang kuwento ni Pauleen.

Pagkatapos ng birthday celebration ni Tali, lilipad pa-Japan sina Vic at Pauleen para mag-honeymoon uli.

Hoping kayang masundan na nila agad si Baby Tali?

“Sana kuya. Sana,”  kaagad na sagot ni Pauleen.

Derek nagpaliwanag sa ‘kasal’ sa GF

Natawa si Derek Ramsay sa kumalat na kuwentong nagpakasal na raw sila ng long-time girlfriend niyang si Joanne Villablanca.

“Sa pelikula nagpakasal ako. Nag-cameo kami ni Joanne sa movie ni Jericho at ni Jessy. Yung eksena namin dun nagpakasal kami. Practice pa lang po yun,” natatawa niyang pahayag nang makausap namin sa grand launch ng Rising Era Dynasty sa Solaire nung nakaraang Linggo, October 28.

Pero napapag-usapan na raw nila ang balak na pagpapakasal at baka mga three to four years pa raw.

Pero malay natin, baka mangyari na rin next year.

 Thankful lang si Derek dahil very supportive si Joanne sa lahat na mga sinimulan niyang project.

Isa na nga rito ang involvement niya sa sinimulang negosyo na kung saan doon sa grand launch ng RED, ipinakilala na rin ang pinagkakaabalahan niya ngayong KYZOX Foundation na kung saan  ay gumagawa ng bago at all-natural anti-mosquito & anti-insect additives.

Kasama ang Rotary Clubs, nakipagtulungan itong KYZOX sa pamimigay ng anti-mosquito paints sa mga eskuwelahan, hospital at orphanages.

Involved dito si Derek kasama ang kaibigan niyang mag-asawang John Estrada at Priscilla Mereilles.

PAULEEN LUNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with