^

PSN Showbiz

Kiray, takot mabuntis ng BF na negosyante

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kiray, takot mabuntis ng BF na negosyante
Kiray

Hanggang maaari ay gustong gawing pribado na lamang ni Kiray Celis ang relasyon nila ng kasintahan na isang negosyante. Kapansin-pansin ang hindi pagpo-post ng aktres sa social media ng mga larawan nila ng kasintahan. “Mas okay ‘yung walang nangingialam. Mas okay na ‘yung walang nakakaalam. Kasi hindi naman kailangang pinagmamalaki. Sabi nga nila ‘pag masaya ka, hindi mo kailangan ipagmalaki at ipakita. Alam mo sa sarili mo na masaya ka. Nakikita naman nila kami ‘pag lumalabas kami. Ayoko kasing haluan ng trabaho. Kasi ‘yung Instagram ko, Twitter ko, Facebook ko, pang-trabaho,” paliwanag ni Kiray.

Ginusto raw talaga ng dalaga na hindi isang artista ang kanyang naging kasintahan. “Gusto ko ng ibang world. Gusto ko kapag kasama ko siya sa mundo niya ako pumapasok, hindi sa mundo ko pa rin,” giit ni Kiray.

Inamin ng aktres na kahit madalas silang magkasama ng kasintahan ay wala pang nangyayari sa kanila. “Hindi pa, takot ako eh, kiss-kiss lang. Sinabi ko naman sa kanya na hindi ko pa kaya. Natatakot kasi ako na any time… kasi may best friend ako na parang lagi akong niyayang, ‘Sige, makipag-sex ka na, masarap ‘yon.’ Magkaibigan kayo, girl talk tapos all of a sudden, sabi niya, ‘Buntis ako, hindi ko naman sinasadya.’ So parang natakot ako kasi parang kahit hindi mo gusto pero meron palang mga moments na pwede ‘yung gano’ng mga bagay. So takot talaga ako,” pagbabahagi ni Kiray.

Derek gustong panoorin sina Angelica at Carlo

Masaya si Derek Ramsay para sa naging tagumpay ng pelikulang Exes Baggage na pinagbidahan ng dating kasintahan na si Angelica Panganiban. Dahil sa positibong mga salita na naririnig tungkol sa pelikula ay gusto itong mapanood ni Derek. “Congratulations to them, I heard they did really well in the movie. Hindi ko pa napapanood pero I want to see it. I heard a lot of great things about the film,” nakangiting pahayag ni Derek.

Nagbigay din ng reaksyon ang aktor tungkol sa napababalitang pagkakabalikan umano nina Angelica at katambal na dati ring kasintahan na si Carlo Aquino. “I’ve always said I hope that Angel will find the right guy. They used to date each other before. Carlo used to come to the house when Angel and I were dating back then. So kilala ko si Carlo. It’s nice that they maintain the friendship throughout the years. Even no’ng kami nga ni Angelica. So I hope, I’d be a fan. They look really good together, look very sweet together, and I hope it’s true. I hope the rumor is true na nagkabalikan na sila,” makahulugang pahayag ni Derek.

vuukle comment

KIRAY CELIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with