Vc, Pauleen at Talitha
Pauleen gusto na uling magbuntis
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - October 29, 2018 - 12:00am

May Boracay fever pa rin ako Mama Salve. Good to see Rufa Mae Quinto and Cristine Reyes looking so good. And how nice to see them kasama ang babies nila na ang gaganda. Andun din si Eric Santos na looking very buff na naka-sando at shorts lang.

Mukha talagang Boracay ang fave ng mga star kasi kahit nasa Amanpulo sila Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna para sa advance birthday treat niya, tinatanong pa rin niya ang Boracay. Bongga din ang Pauleen Luna ha, naka two-piece bikini na at gustong sundan na agad si Talitha, hah hah.

At akala mo na honeymoon, kasama ang yaya at si Mommy Chat na nag birthday din. Kitang-kita mo talaga ang inner happiness at peace ni Pauleen sa kanyang married life, mas maganda siya ngayon at shocking na mas gumanda ang katawan na dati ay chubby chubby. Husay talagang mag-alaga ni Bossing Vic ha.

Boracay set of mind pa rin kami dahil imagine we are among the first na nakita kung ano ang puwedeng gawin basta may will ang leaders natin.

Thank you Papa Digong, Sec. Mark Villar and Sec. Berna Romulo-Puyat. See you again sa first anniversary ng Boracay.

Male personality nagpa-planong magdemanda!

Malapit nang maubos ang pasensya ng isang male celebrity na patuloy na nakakatanggap ng mga bastos na message mula sa isang fan na stalker na ang peg.

Kapag hindi pa tumigil ang faney, plano ng male celebrity na mag-file ng reklamo para maturuan ng leksyon ang harasser niya.

Mabait ang male celebrity pero may hangganan ang kanyang pasensya. Hindi na niya basta puwedeng palampasin ang mga pang-ookray ng faney sa kanyang pagkatao.

Abangan natin ang mga susunod na kabanata dahil sure na big news kapag itinuloy na ng male celebrity ang pagsasampa ng reklamo.

Laban ni Pacman sa Vegas walang urungan

Hay naku biglang pumasok sa isip ko na malapit na naman ang boxing match ni Champ Manny Pacquiao kaya dapat chummy chummy ko na naman isa sa favorite ko na si Papa Toby Tiangco heh heh. Dahil medyo malayo, dapat mag-ipon na.

Sa Vegas ang next fight kaya dapat maraming baon. Nandun pa mama Jinkee Pacquiao ko, solved na nex t vacation sa USA.

Excited much na uli ako kaya ipapaayos ko na ang US visa ko, agad-agad.

OGL maagap sa promo

Inilabas kahapon ng Regal Entertainment Inc. sa social media ang teaser ng One Great Love, ang pelikula nina Dennis Trillo,
JC de Vera at Kim Chiu na official entry sa 2018 Metro Manila Film Festival.

Sa December 25 pa ang umpisa ng MMFF 2018 pero daig ng maagap ang masipag kaya ipinakita na ng Regal Entertainment Inc. sa public ang engaging teaser ng One Great Love.

Ibang Kim Chiu ang mapapanood sa pelikula dahil pumayag siya na gawin ang mga daring scene. Parehong mga gentleman sina Dennis at JC kaya komportableng-komportable si Kim Chiu sa kanilang mga eksena.

Magiging visible si Dennis Trillo ngayong November at December dahil bukod sa filmfest movie nila nina Kim at JC, malapit na ang airing ng Cain
at Abel, ang drama action television series ng GMA 7.

Co-star ni Dennis sa Cain at Abel si Dingdong Dantes.

PAULEEN LUNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with