Alexa at Mika
Nash nagsalita sa isyung pinagsabay sina Alexa at Mika
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - October 28, 2018 - 12:00am

Opisyal nang magkasintahan sina Nash Aguas at ang nakababatang kapatid ni Angelika dela Cruz na si Mika dela Cruz.

Ayon sa binata ay crush na niya si Mika kahit noong mga bata pa sila pero noong isang taon lamang sinimulang ligawan ni Nash ang dalaga.“Sinagot na rin ako sa wakas. Sinagot niya ako noong October 20 (2018). Nagkita lang kami after two years no’ng nag-break na kami ni Alexa (Ilacad). Parang two months na ka­ming hiwalay ni Alexa, tapos saka kami nagkita do’n sa reunion ng Goin’ Bulilit,” nakangiting kwento ni Nash.

Ngayon ay madalas na magkasama ang magkasintahan kahit na makaibang TV network ang kanilang pinagtatrabahuhan. “’Yon nga ang nakakatuwa. Kasi wala pong problema. Tapos nagagawan at nagagawan ng paraan,” giit ng aktor.

Nilinaw ni Nash na hindi niya talaga pinagsabay sina Alexa at Mika katulad ng mga kumakalat na balita. “Gusto kong linawin, hindi rin ako gano’n siyempre. Sa pamilya namin, kung ‘yung mom ko nga at dad ko hindi nag-work out. So parang bakit ako mag-i-initiate ng something na alam kong hindi tama. Sinigurado ko muna tapos kung tapos,” paglilinaw ni Nash.

Maja hindi pumapatol sa kaibigan

Ilan lamang sina Enchong Dee at Rayver Cruz sa mga kaibigang lalaki ni Maja Salvador sa show business. Kahit napalapit ang aktres sa dalawa ay hindi naman daw kailan man napaibig sa mga ito. “Depende, ako inaamin ko best friend ko noon si Rayver, best friend ko si Enchong pero di naman dumating sa gano’ng level. Kay Rayver walang gano’n talaga eh, as in. sino ba ang kaibigan ni Rayver? ‘Yung ex (Gerald Anderson) ko di ba? Tapos ‘yung kay Enchong naman nag-start na crush-crush, puppy love na crush ‘yung isa’t isa. And then ramdam namin both na parang hindi tayo gano’n. Mas malalim ‘yung relationship na mabubuo natin which is friendship. So hanggang ngayon,” paliwanag ni Maja.

Samantala, katambal ng aktres sa pelikulang To Love Some Buddy si Zanjoe Marudo. Mapapanood na sa mga sinehan ang bagong proyektong ito mula sa Black Sheep simula sa Miyerkules.

Maging ang aktor ay hindi rin sang-ayon na gawing ka­sintahan ang isang matalik na kaibigang babae. “Siguro sa totoong buhay, ‘pag naramdaman ko na ayaw ko na ayaw kong mawala sa akin ‘yung kaibigan ko, di ko masasabi. Mahirap eh, mahirap talagang tumawid kasi ‘pag tumawid ka do’n, kakalimutan mo talaga ‘yung isa. Kakalimutan mo pagiging mag-best friend n’yo. Kasi di na siya pwedeng kung paano kayo dati,” paliwanag naman ni Zanjoe.

ANGELIKA DELA CRUZ MIKA DELA CRUZ NASH AGUAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with