Aktor hindi kinaya ang take 3 sa aktres na mabaho ang hininga dahil sa gamot na pampapayat
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - October 28, 2018 - 12:00am

Sa pakikipagkuwentuhan namin sa mga dalubhasa ay nalaman namin na napakalaki pala talaga ng epekto sa bituka ng mga pildoras na pampapayat. Kapag matagal na palang umiinom ng mga slimming pills ang kahit sino ay nagkakaepekto ‘yun sa kanilang hininga.

?Kaya pala kahit buo ang kanilang mga ngipin ay maraming nakakapansin na meron silang bad breath. Nagmumula ‘yun sa bituka na kung tawagin ay halitosis.

?May kapsulang ipinaiinom sa mga pasyente para maiwasan ang pagkakaroon ng mabahong hininga, pang-flash ang tawag du’n, inilalabas nito ang mga naiipong kung anuman sa bituka na nagiging sanhi ng bad breath.

?Naging paksa sa isang umpukan ang tungkol du’n dahil sa kuwentong kalat na kalat na kung saan bumibida ang isang magandang aktres na nagkakaedad na.

?Kuwento ng aming source, “Nakiusap kasi ang isang male personality sa director nila na kung puwede, e, huwag nang ipa-take three ang mga naunang eksena nila nu’ng aktres.

?“Hiyang-hiya pa ang male personality na magsabi kay direk kung bakit. Nu’ng tanungin siya kung ano ang problema, e, napilitan na rin magsalita ang leading man ng female personality.

?“Sinabi niya na hindi na raw niya kakayanin pa uli ang kabahuan ng hininga ng kaeksena niya. Sumakit daw kasi ang ulo niya, pigil na pigil daw kasi ang paghinga niya habang kinukunan ang eksena.

?“Lalo pang sumakit ang ulo niya nu’ng ipa-take two ni direk ang scene, parang hihimatayin na raw siya, kaya napilitan na siyang makiusap sa direktor nila na hanggang du’n na lang sana ang lahat, wala nang take three.

?“Sayang, ang ganda-ganda pa naman ng girl kahit pa padagdag na nang padagdag ang age niya. Buung-buo ang mga teeth niya, malinis din siya sa katawan. Isa lang talaga ang problema, mabaho ang hininga niya.

?“Kasi naman pala, e, ilang taon na siyang umiinom ng slimming pills, marami siyang iniinom na gamot na pampapayat. Pati pala ang iniinom niyang tea, pampapayat din.

?“Du’n nanggaling ang bad breath niya. Sumisingaw talaga ‘yun, hindi lang naman ‘yung male personality ang nakaranas, meron ding isang young actor na bahung-baho sa hininga ng girl.

?“Kailangan niyang gumamit nu’ng gamot na pang-flash sa mga tira-tira sa bituka niya, regular pala dapat ang pag-take nu’n, para mawala ang mga residue ng iniinom niyang diet pills.

?“Kailangan niyang aksiyunan ang problema niya, ang dami-dami pa naman niyang ginagawang projects sa TV, baka makaapekto ‘yun sa mga bookings na para sa kanya, e, lumipad pa palayo, dahil sa bad breath niya!” pagtatapos ng aming source.

?Ubos!

Jenine pinalala ang ‘sakitan’ nina Elmo at Janella

Nakatagpo ng kakampi si Elmo Magalona kay Janine Gutierrez. Matagal silang naging magkarelasyon, kilalang-kilala ng dalagang aktres ang binata, alam nito kung ano ang kapasidad ni Elmo.

?Sa kasagsagan ng isyung makalawang beses na sinaktan ng young actor si Janella Salvador ay sinabi ni Janine, “Elmo never hurt me. He’s a nice guy. Mabait siya and loving.”

?Siguradong ikatataas ng kilay ni Janine Desiderio ang komento ni Janine, kontrang-kontra kasi ‘yun sa mga sinasabi nilang mag-ina, may kuwento pa nga ang ina ni Janella na inihulog siya ni Elmo sa van.

?Lumalabas ngayon na nakay Janella ang problema. Mahabang panahong naging magkarelasyon sina Elmo at Janine pero wala namang sakitang nangyari.

?Sabi ng isang tagapagtanggol ni Elmo sa social media, “Bakit si Janella lang ang nagsasabing nananakit si Elmo? Bakit nakikisawsaw sa issue ang mommy niya? Grabeng magsalita ang mommy niya against Elmo, e, wala naman siya nu’ng nangyari ang incident na sinasabi ng anak niya?

?“Actually, si Jenine ang nagpalala sa kuwento. Kundi siya naglabas ng kung anu-ano sa social media, baka nga naayos pa nu’ng dalawa ang problema nila, e!

?“Pero inunahan niya agad, marami siyang kuwento, gaya rin ng mga ginagawa niya nu’ng silang magnanay ang hindi nagkakasundo. Huwag na kasing makisali pa, huwag nang nakikisawsaw, wala ba siyang pinagkakaabalahan ngayon para tutukan niya ang sissue?” madiin at matapang na komento ng fan ni Elmo Magalona.

ELMO MAGALONA JANINE GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with