^

PSN Showbiz

Bela gustong pakasalan ni Sen. Win!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Bela gustong pakasalan ni Sen. Win!
Bela

Makapagpapakilala sa dalawa may malaking pabuya

Tulung-tulong daw ang mga close friend ni Sen. Sherwin Gatchalian sa paghanap ng tamang babaeng mapapangasawa niya.

Nakausap kasi namin si Atty. Ferdie Topacio sa radio program namin sa DZRH at nabanggit niyang gusto na raw ng naturang senador na mag-settle down.

Close kasi si Atty. Topacio sa pamilya Gatchalian dahil isa siya sa legal team ng ama ng senador na si Mr. William Gatchalian.

Napapag-usapan daw nila minsan na tila interesado si Sen. Gatchalian kay Bela Padilla. Kaya inaayos daw nilang magkakilala ang dalawa.

Saad ni Atty. Topacio; “Ang problema kasi ni Sen. Win eh gusto na niya mag-asawa at si Bela nga ang gusto niyang makilala. Wala namang mahanap na pagkakataon.

“Baka naman kayo makagawa ng pa­raan na magkakilala sila. Magbibigay ako ng pabuya na trip to Hongkong pag napakilala nyo si Bela kay Sen. Win Gatchalian.”

Sinundan namin ng tanong si Atty. Topacio kung paano nga ba nagkainteres si Sen. Gatchalian kay Bela?

“According sa aking kaibigan, si Bela…she topped among the rest pagdating sa mga artista.

“She is not only lovely, but she is talented and she is intelligent.

“Di ba gumagawa siya ng sariling script di ba? Nagpu-produce pa ng sariling pelikula.

“Ibang klase talaga si Bela. Hindi lamang maganda, matalino pa.

 “Ikararangal ng isang senador, o kahit na sinong lalaki for that matter na kung maging kasama niya sa buhay ay si Bela Padilla,” pahayag ng kilalang abugado.

Binanggit uli ni Atty. Topacio na seryoso siya sa offer niyang iyun na magbibigay siya ng trip to Hongkong with free accommodation, at pocket money sa kung sino man daw ang magpapakilala kay Sen. Gatchalian sa kilalang aktres.

Marie naghahanap  ng artistang marunong mag-German

Ipinakilala ni Leo Dominguez sa ilang movie press ang bagong talent niya mula Vienna, Austria na may dugong Pinoy. Si Marie Preizer, 17-year old half Pinoy at half-Austrian na may dugo ring showbiz.

Pinay ang Mommy niya na si Liza de Vera na related sa dating beauty queen/actress na si Rosemarie de Vera, at si Fritz Ynfante.

Napakaganda ni Marie, na matatas pa mag-Tagalog bukod sa wikang German at English.

Sanay na siya sa pag-arte dahil limang taon pa lamang siya ay nasasabak na siya sa entablado, bilang nagsusulat at nagdidirek ang Mommy niya sa teatro. Kinakalung-kalong pa nga raw siya nung bata pa siya ni Placido Domingo.

May mga regular show  siyang napapanood sa TFC, pero ang mga paborito niyang artista ay sina Nora Aunor, Vilma Santos, Dolphy at si Liza Soberano.

Kung magda-Darna si Liza, wish naman ni Marie ang gumanap na Dyesebel na bagay naman sa kanya.

Kaya pinaghahandaan niya ang three-month acting workshop na dadaanan niya. Kaya magtatagal siya rito at nakakundisyon na sa kanya na dito na raw siya mag-debut.

Pero nami-miss na ni Marie ang mga kaibigan niya roon sa Austria, kaya naghahanap din siya ng mga taga-showbiz na makaka­tsikahan niya ng German.

Gusto nga raw niyang makilala si Marc Neumann at Maureen Wroblewitz na may German blood.

vuukle comment

BELA PADILLA

SHERWIN GATCHALIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with