^

PSN Showbiz

Pokwang, pinaghugutan ang inang may dementia

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Pokwang, pinaghugutan ang inang may dementia
Pokwang

Sa kauna-unahang pagkakataon ay ginamit ni Pokwang ang Marietta Subong na kanyang tunay na pangalan sa pelikulang Oda Sa Wala na isa sa mga kalahok sa QCinema International Film Festival.

Nagsimulang ipalabas noong October 21 at mapapanood hanggang 30 sa mga piling sinehan ang ilang mga kalahok sa nasabing film festival. May pagkaseryoso ang tema ng pelikula kaya ang totoong pangalan ang ginamit ni Pokwang. “Actually kinausap muna ako ni direk (Dwein Baltazar) kung papayag daw ba ako na Marietta Subong ang gamitin. Nag-isip muna ako kasi siyempre sa passport ko, sa ATM ko, ‘yon ang pangalan ko. Pero di ba, maiba lang naman, ibang kwento. Iba rin kasi ito eh, ibang genre. Sabi ko, ‘Sige labas tayo sa Pokwang.’ Kasi ‘pag naisip mo ang Pokwang, comedy agad,” paliwanag ni Pokwang.

Naging inspirasyon ng aktres ang inang mayroong Dementia upang magampanan nang maayos ang karakter sa nasabing proyekto. Masaya si Pokwang dahil sa mga oras na nakakasama ang ina sa bahay kapag wala siyang trabaho. “Okay naman siya. malakas kumain awa ng Diyos pero gano’n pa rin siyempre. Hindi pa rin namin nakakausap, malayo pa rin ang tingin niya,” pagbabahagi ni Pokwang.

Nagsalita na rin sa pagtawag ng evil woman sa nanay, Jake Zyrus pakakasalan na ang GF!

Kamakailan ay naglabas si Jake Zyrus ng kanyang librong I Am Jake. Usap-usapan ngayon ang pagtawag umano ng singer na ‘evil queen’ sa inang si Raquel Pempengco sa naturang aklat. “May bad situations talaga. So that certain situation, parang na-compare ‘yung situation na ‘yon sa fairy tale noong time na ‘yon. It’s not na tinatawag siyang evil queen as a whole. It’s not like that. Parang hindi siya ‘yung literal,” paglilinaw ni Jake.

Nagsimulang mapalayo ang loob sa ina mula nang maging Jake Zyrus mula Charice Pempengco ang singer. Aminado si Jake na hindi na rin niya nabibisita si Mommy Raquel at ilang mga kamag-anak dahil nag-iba na talaga ang sitwasyon sa pagitan nila. “I know that if I go there, they’d just hurt me emotionally and tell me things na I don’t wanna hear anymore,” giit niya. Nami-miss na kaya ni Jake ang kanyang pamilya at mga kamag-anak? “For how many years, I would’ve answered you yes, but I don’t wanna lie. I don’t miss the relationship hindi talaga okay ‘yung relationship,” pagtatapat ng singer. 

Samantala, maayos ang takbo ng relasyon ni Jake at ka­sintahan na si Shyre Aquino. Nagpaplano na rin umano na pakasalan ng singer ang nobya. Para naman kay Shyre ay talagang nakikita niyang magkakasama sila ni Jake habambuhay. “I think lahat naman tayo ‘yon ‘yung gusto natin sa buhay, ‘yung talagang mahanap mo na ‘yung ‘the one’. Like me, naramdaman ko naman talaga na siya na,” nakangiting pahayag ni Shyre.

vuukle comment

POKWANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with