^

PSN Showbiz

Magandang aktres wagas pa rin ang kasupladahan sa mga nakakasabay sa biyahe

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sa makasaysayang airport na naman naganap ang isang kuwentong hinding-hindi makakalimutan ng isang pamilyang nagbalikbayan. Du’n nila nakita ang isang pamoso at magandang aktres na tulad din nilang bibiyahe.

?Dahil napapanood nila ang magandang female personality sa bansang kinaroroonan nila, natural lang na tuwang-tuwa ang mag-iina, nang malaman ng mga ito na makakasabay nila sa flight ang aktres.

?Kuwento ng aming source, “Hindi na sila lumapit kay ____(pangalan ng magandang babaeng personalidad) nu’ng nasa airport pa sila, anyway, makakasabay naman nila sa flight, du’n na lang sila magpapakuha ng picture.

?“So, kampante ang grupo na magtatagumpay ang picture taking nila, sa wakas, makakatabi na rin nila sa retrato ang magandang girl na pinanonood lang nila sa mga serye habang nakatira sila sa ibang bansa.

?“Pero nabigo ang mga kababayan natin, dahil hindi pa nagte-take-off ang plane, e, nagkunwari na agad na natutulog ang gusto nilang makasama sa picture!” bitin na kuwento ng aming source.

?Sandali lang naman ang kanilang biyahe, malapit lang sa Pilipinas ang bansang pupuntahan nila, kaya inisip na lang ng grupo na paglapag nila ay saka na lang sila makikiusap sa female personality para sa isang picture taking.

?Patuloy ng aming source, “Pero natakasan na naman sila ng girl, nauna siyang lumabas ng plane, kaya nu’ng hinahanap na nila, e, may nakapagsabi na lang na Pinoy sa kanila na nakalabas na ng airport ang aktres.

?“Masamang-masama ang loob ng tropa, mukhang sinadya raw ng female personality na takasan na ang mga may gustong magpa-picture sa kanya. Pero may sinabi ang napagtanungan nila kung nakaalis na ba ang girl.

?“Gumanda ang pakiramdam nila, kasi, ang sabi ng kababayan natin, ‘Naku, huwag n’yo nang ituloy ang plano n’yong pagpapa-picture sa babaeng ‘yun! Ang dami-dami niyang pinagsupladahan kanina, sa totoo lang! Wala siyang pakialam, tuluy-tuloy lang siyang naglakad na parang walang nakikita at naririnig!

?“Nasabi na lang ng grupo na totoo pala ang mga kuwento tungkol sa kamalditahan ng girl na ito! Ang ganda pa naman ng name niya, pero kabaligtaran naman pala ng pangalan niya ang ugali niya!

?“Palaging bumibida sa mga istorya ng kamalditahan ang babaeng ‘yun, e, napaka-angelic pa naman ng name niya,” pagtatapos ng aming source.

?Ubos!

Ted nag-aala John Lloyd,  tutok muna sa pamilya

Matagal nang hindi napapakinggan sa kanyang matagumpay na programa ang maga­ling na news anchor-radio commentator na si Ted Failon. Napapanood naman siya sa TV Patrol at sa sarili niyang programang Failon Ngayon pero hindi siya napapakinggan sa DZMM.

?Marami tuloy ang nang-uusisa sa amin kung damay ba ang radyo sa kaguluhang nagaganap ngayon na umabot pa nga sa demandahan na departamento ng ABS-CBN?

?Para maging malinaw sa amin kung bakit ay tinawagan namin si Ted Failon, may problema ba sila ng istasyon, bakit sa radyo lang siya wala?

?Maigsi pero kumpleto ang kanyang sagot sa aming tanong, “‘Nay, medyo dyuma-John Lloyd lang muna ako sa radyo, may iniaayos lang kaming contract.”

?Itinuturing nang poste ng DZMM si Ted Failon. Milyon ang kanyang mga tagasubaybay. Binabantayan ng mga kababayan natin ang kanyang mga opinyon dahil wala siyang sinasantong kahit sino basta nasa tama siya.

?Hindi puwede kay Ted ang mga padrino. Kung ano ang palagay niya ang totoo at tama ay hindi siya natatakot na banggain ang kahit sino.

?‘Yun ang dahilan kung bakit napakaraming naghahanap sa kanya, hindi kumpleto ang umaga ng mga Pinoy kapag hindi naririnig ang kanyang mga komento, pagdating sa paninindigan ay walang kuwestiyon ang kredibilidad ni Ted Failon.

?May mga nag-isip pa nga na siguro raw ay babalik si Ted Failon sa serbisyo-publiko. Naging kinatawan siya sa kanilang distrito sa Leyte ilang taon na ang nakararaan.

?Sa totoo lang ay walang-wala na sa kanyang bokabularyo ang mundo ng pulitika ngayon. Ayaw na niyang kumandidato kahit pa kaliwa’t kanang imbitasyon mula sa iba-ibang partido ang tinatanggap niya.

?Short and sweet ang kanyang dahilan, “Mas masaya ako sa simpleng buhay lang. Kasama ko ang mga anak ko at apo ko, nagpoprograma ako, maligaya na ako sa ganito.”

vuukle comment

TED FAILON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with