^

PSN Showbiz

Vice itinanggi si Imee Marcos

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Vice itinanggi si Imee Marcos
Vice

Klinaro ni Vice Ganda na hindi siya supporter ng mga Marcos lalo na ng senatorial candidate na si Imee Marcos.  Nagkataon lamang daw na nagkasabay lamang sila ng flight patungong Ozamis City ni Ilocos Norte governor Imee Marcos last Sunday kung saan may special singing engagement si Vice. Nakita kasing sabay na naglalakad sa tarmac ng Ozamis City sina Vice at Gov. Imee at parehong may identical lei na nakasabit sa kanilang dalawa.

Kilala si Vice Ganda sa pagiging supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte na very close naman sa mga Marcos.

Kahit talunan, Michele ‘di malimutan ang Miss Globe

Hindi man naiuwi ni Michele Gumabao ang Miss Globe crown, hindi nito ikinakaila na hinding-hindi umano niya makakalimutan ang kanyang naging experience in her two-week stay in Albania kung saan ginanap ang coronation night last Sunday, October 21 where she landed sa Top 15 finalists at nakakuha ng dalawang special awards – Miss Social Media at Miss Dreamgirl.

Ang Miss China na si Yu Yizhou ang nakasungkit ng 2018 Miss Globe crown na sinundan ng Miss Australia na si Montana Farrah Seaton as 1st runner up, Miss Turkey na si Perihan Koz as 2nd runner-up, ang Miss Italy na si Rosa Fariello as 3rd runner up at ang Miss Albania na si Alba Bajrami bilang 3rd runner-up.

Since 26 pa lamang si Michele, may posibilidad pa siyang sumali sa ibang beauty competition tulad ng Miss World Philippines at Miss Earth Philippines sa isang taon o ‘di kaya mu­ling sumubok sa Bb. Pilipinas.

Ang dating Lady Spiker ng De la Salle University ay nagtapos ng Marketing Ma­nagement sa nasabing unibersidad kung saan siya ay consistent dean’s lister at nakatatandang kapatid ng young actor na si Marco Gumabao.

Anak ni Joko artista na

Lumagda ng exclusive management contract with Viva Artists Agency (VAA) ang 14-year-old daughter ni Joko Diaz na si Ashley Diaz last Monday.

Bukod kay Ashley, present du­ring the contract signing ang mag-asawang Joko at Abby at ang president ng VAA na si Veronique del Rosario-Corpus.

Ayon sa ina ni Ashley na si Abby Diaz, tatlong taong gulang pa lamang daw ang kanyang panganay ay mahilig na itong umarte. Haharap umano ito sa salamin at saka aarte at kakanta kaya alam niya na susunod ito sa mga yapak ng kanyang lolo (Paquito Diaz), amang si Joko at pinsang si Kiko Estrada. Maging ang kanyang tiyahing si Cheska Diaz ay nag-artista rin noon.

Fourteen din noon si Joko nang siya’y maging contract artist ng Viva kaya sa Viva rin niya ipinagkatiwala ang management ng kanyang panganay.

Joko has two other children – ang 19 year-old na si Nicole de Leon sa ex-girlfriend niyang si Angelu de Leon na nag-aaral sa De la Salle University at si Josh Eigenmann sa ex-GF niyang si Apples Arizabal na wife naman ngayon ng actor na si Gabby Eigenmann. In-adopt na ni Gabby ang panganay ng kanyang wife na si Apples na si Josh kaya Eigenmann na ang gamit nitong apelyido. Balak din umano ni Angelu na ipa-adopt sa kanyang husband ang dalawa niyang anak na sina Nicole at Louise para Rivera na ang dalhin nitong family name. Si Louise ay anak ni Angelu sa businessman na si Jojo Manlungat. Si Rafa (5) naman ay anak ni Angelu sa kanyang husband na si Wowie Rivera.

Samantala, pinagbilinan ni Joko si Ashley na kahit pinasok na nito ang showbiz, dapat na prio­rity pa rin nito ang kanyang studies bagay na sinang-ayunan naman ng dalaga  na marunong ding kumanta na kanyang namana sa kanyang ina.

Teresa at Diego dedma sa tapatan ng show

Aware ang mag-inang Teresa Loyzaga at Diego Loyzaga na magkatapat ang kanilang magkahiwalay na bagong simulang TV series, ang Precious Heart Romances Presents: Los Bastardos ng ABS-CBN at ang My Special Tatay ng GMA kung saan kabilang si Teresa. 

Pero since pareho lamang silang talent doing their jobs, walang control ang mag-ina sa pagtatapat ng kanilang mga programa sa rival networks. Ang mahalaga ay pareho silang may trabaho.

Si Diego ay huling napanood sa TV series na Pusong Ligaw ng Kapamilya Network na nagtapos nung January 12, 2018 habang si Teresa naman sa Hanggang Saan which ended nung April 17, 2018 bago siya lumipat ng GMA para gawin ang The Cure na sinundan ngayon ng My Special Tatay.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with