^

PSN Showbiz

Michele Gumabao luhaan sa Miss Globe

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Michele Gumabao luhaan sa Miss Globe
Michelle

Luz Valdez si Michele Gumabao sa Miss Globe 2018 na ginanap noong Linggo sa Tirana, Albania.

Imbyernang-imbyerna ang mga Pinoy na nagpuyat para lang mapanood ang pagrampa ni Michele sa beauty pageant na sinalihan.

Nagsisisi sila dahil ipinagpalit nila sa mahimbing na pagtulog ang isang beauty contest na napaka-amateur ng presentation.

Hindi matanggap ng mga Pinoy na mahihilig sa beauty contest na Top 15 finalists lamang ang anak ni Dennis Roldan.

Umasa kasi sila na magkakaroon ng puwesto si Michele dahil sa ganda at talino niya.

Hindi naman totally luhaan si Michele dahil nag-win siya ng special awards, ang Miss Social Media at Miss Dream Girl.

Walang puwedeng magkuwestyon sa Miss Social Media award na natanggap ni Michele dahil full support ang natanggap niya mula sa ating mga kababayan na active sa social media.

Hindi naman malinaw kung para saan ang Miss Dream Girl pero isang bagay ang sigurado, naging dream talaga na manalo si Michele ng Miss Globe crown.

At dahil hindi nag-win si Michele, may mga kumukumbinsi sa kanya na sumali uli sa susunod na taon sa ibang mga beauty contest gaya ng Miss World Philippines at Miss Philippines Earth.

May mga humihikayat naman sa Bb.Pilipinas Charities Inc. na tigilan na ang pagpapadala ng mga kandidata sa Miss Globe dahil sa diumano’y kawalan nito ng prestige. Ang BPCI ang organizer ng Bb.Pilipinas at sila ang may hawak ng karapatan na magpadala ng mga kandidata sa Miss Globe, Miss Intercontinental, Miss Supranational, Miss International, Miss Grand International at Miss Universe.

Vico may emote sa mga taga-Pasig

Nalulungkot si Vico Sotto dahil nalaman niya na marami sa mga residente ng Pasig City ang natatakot na magkaroon ng bagong mayor sa kanilang lugar dahil baka mawala ang mga benepisyo nila.

Si Vico ang anak nina Vic Sotto at Coney Reyes na tatakbo na mayor ng Pasig City sa eleksyon sa May 2019 at ito ang emote niya sa kanyang mga nalaman.

“Nakakalungkot na marami ang natatakot na kung may bagong mayor, mawawala ang dati nilang natatanggap na benepisyo.

“Yung iba, nasanay kasi sa ganu’ng klase ng politika. Yung iba naman, akala pa rin kasi na personal na pera ng politiko ang ginagamit sa mga programa ng gobyerno,” ang totoo na obserbasyon ni Vico.

Aktres matindi ang obsession sa asawa

May isang ilusyonada na nagkalat sa social media ng screenshots ng palitan nila ng mga malalandi na text message ng mister ng aktres na mabait.

Pinalalabas ng ilusyonada na hindi faithful husband sa aktres ang mister nito dahil nakikipaglandian sa kanya at malalaswa ang mga mensahe nila para sa isa’t-isa.

Medyo fishy ang pasabog ng ilusyonada dahil ang sabi ng mga expert sa social media, bagong bukas lamang ang social media account niya na walang followers.

Ang ibig sabihin, may motibo ito na sirain ang magandang relasyon ng mag-asawa.

Ang close friends ng aktres ang sumusumpa na hindi unfaithful ang asawa niya na mahal na mahal siya at ang kanilang dalawang anak.

Malakas ang hinala nila na obsessed lang ang ilusyonadang girl sa asawa ng aktres dahil bukod sa guwapo, mabait at maalaga ito sa lahat.

Hindi pa sure kung nakarating na sa aktres ang paninira ng anonymous girl sa kanyang asawa pero knowing her, matatawa lang siya dahil subok na niya ang pagiging faithful and honest ni mister.

vuukle comment

MICHELE GUMABAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with