^

PSN Showbiz

Bea maraming natututunan kay Gerald

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Bea maraming natututunan kay Gerald
bea at Gerald

Maayos ang takbo ng re­las­­yon ngayon nina Bea Alonzo at Gerald Anderson. Para sa aktres ay hindi rin naging madali sa kanila na panatilihin ang pagkakaroon ng maayos na relasyon.

“Yeah, hardwork. I mean choosing him every single day. At some point it becomes a choice, it becomes a choice to keep loving somebody. Siguro we choose to love each other pa rin. Siguro ‘yon ‘yung dahilan kung ba’t kami nandiyan sa isa’t isa,” makahulugang pahayag ni Bea.

Katulad ng ibang magkasintahan ay dumanas na rin ng mara­ming pagsubok ang relasyon ng dalawa.

“Learning process pa rin siya sa amin every single time we had a problem. Ho­nestly marami akong natutunan about myself and this relationship, about him, about the things that I tolerate, I cannot tolerate, marami. And ‘yung relationship namin is a work in progress. So marami kaming natutunan sa isa’t isa and about us and about this relationship,” paliwanag ng dalaga.

Matatandaang unang naging magka­sintahan sina Bea at Gerald walong taon na ang nakalilipas pero hindi nagtagal ang relasyon ng dalawa.

“We were together noong 2010 but of course maraming humadlang. Ibig sabihin hindi siya napa­panahon no’ng time na ‘yon. Hindi ‘yon right timing for us. We were very young and marami pa kaming gustong gawin sa buhay. So it had to be stopped. Tapos nagkabalikan kami recently,” nakangiting pagdedetalye ni Bea.

Vice ramdam ang harot at kilig ng Fantastica loveteams  

Bukod kina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes ay kasama rin ni Vice Ganda sa pelikulang Fantastica ang love team nina Kisses Delavin at Donny Pangilinan, Loisa Andalio at Ronnie Alonte, at Maymay Entrata at Edward Barber.

Ayon kay Vice ay kakaibang kilig talaga ang naidudulot ng tatlong tambalan para sa pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival 2018.

“Iba ‘yung feels na nabibigay nila doon sa pelikula. Kasi siyempre masyadong pagpapabebe at pagpapa-sweet, parang masyado nang maaskad sa pagmumukha ko sa edad ko,” nakangiting pahayag ni Vice.

Nakikita ng komedyante na parang nauuwi na sa katotohanan ang ginagawang pagpapakilig ng magkakatambal.

“Ang sarap nila panoorin at saka tumatagos ‘yung harot, ‘yung kilig kasi totoo. Di sila umaarte,” giit ni Vice.

Samantala, ngayon lamang din naranasan ng Phenomenal Box Office Star na makagawa ng isang pelikula na fairy tale ang tema.

“May mga hari, may mga reyna, may mga prinsipe, may mga prinsesa, ganoon. Pambagets, tapos makulay na makulay talaga siya,” pagtatapos ni Vice.

 

vuukle comment

BEA ALONZO

GERALD ANDERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with