^

PSN Showbiz

JayR at Mica engaged na!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
JayR at Mica engaged na!
JayR at Mica

Proud na proud ang RnB King JayR sa kanyang ipinost kahapon, sa kanyang Instagram account na kuha nila ni Mica Javier na may caption; “Meet my fiancé.”

Engaged na nga sila, pagkatapos sorpresahin ni JayR si Mica kama­kalawa ng gabi sa isang restaurant sa Nobu Hotel.

May shoot daw dapat sila roon ng isang music video, pero pagdating sa isang restaurant doon, nagulat silang lahat nang lumuhod na si JayR at pina­suot na ang singsing.

Saksi ang mga kaibigan nilang sina Billy Crawford, Coleen Garcia, Karylle, Karla Estrada, Jaya at Kris Lawrence, nag-“Yes” si Mica kaya nagtilian silang lahat.

Bahagi ng mahabang post in Mica; “I was stunned and it was surreal but there was no doubt in my mind, my answer was always going to be YES. I love you @rnbjayr & I’m so excited to be your wifey!”

Matagal na rin ang relasyon nina JayR at Mica.

Noon pa naman sinasabi ni JayR na matagal ta­laga siya makipagrelasyon, pero masaya na raw siya kay Mica kaya ito na nga ang babaeng pakakasalan niya.

Pambo-boycott sa First Love ng Dilawan kinontra ng mga alagad ni Aga

May epekto nga kaya yung sinasabing pag-boycott ng mga anti-Duterte sa pelikulang First Love kaya hindi ito gaanong malakas?

Patuloy pa rin ang pang-aalipusta kay Aga Muhlach dahil lang sa komento niya kay Sen. Antonio Trillanes na ikinagalit ng mga dilawan.

Nag-react pa si Richard Reynoso sa kanyang Facebook account nang may isang abugado na nanlait kay Aga na artista lang daw kasi ito kaya wala raw alam sa pulitika.

Hindi ito pinalagpas ng bete­ranong singer. Malaki raw ang utang na loob niya sa showbiz, kaya nag-post ito sa kanyang FB account ng pagtanggol niya kay Aga at sa mga artista kagaya niya.

Pati si Arnell Ignacio ay umaksyon din para sumuporta kay Aga.

Inayos niya kahapon ang i-sponsor niyang block screening ng pelikula nina Aga at Bea Alonzo na panonoorin daw ng mga umuwi ritong OFW.

Isang bus daw na OFW ang dadalhin niya para manood ng naturang pelikula na nagsimulang ipa­labas last week.

Pangontra raw niya iyun sa mga nagsasabing magbu-boycott sa First Love.

Kyline at Therese  mag-aala Nora at Vilma

May dagdag endorsement na naman si Kyline Alcantara na ini-launch kahapon sa Luxent Hotel.

Siya ngayon ang bagong brand ambassador ng Simply G na hair and skin care products, na kaya siya ang kinuha dahil isa pala sa mga sunflowers ni Kyline ay ang anak ng President at CEO nito na si Mr. Glen Sy.

Kaya thankful naman si Kyline dahil sa kanya ipinagkatiwala ang naturang produkto.

Doon na rin sa launching ay nagpahayag ng sobrang excitement si Kyline sa pagdalo niya sa awards night ng Asian Academy Creative Awards sa darating na December.

Nominado si Kyline sa ka­te­goryang Best Actress in a Suppor­ting Role mula sa dra­ma series nilang Kambal Karibal.

Pinaghahandaan na nga­yon ang bagong drama series ng GMA 7 para kay Kyline at talagang mapapasabak siya sa matinding aktingan dahil kasama niya si Therese Malvar.

Kidnap daw ang tentative title at mala-Nora Aunor at Vilma Santos daw ang peg nila rito ni Therese.

Si Nora raw si Therese at siya naman si Vilma.

“Parang…younger version po nila kami, and I’m just so happy po.

“We’ll promise po na gagalingan po namin ni Therese,” pakli ni Kyline.

Aware siyang napakagaling ni Therese pero magkaibigan daw sila at wala naman daw kumpetensya sa kanilang dalawa.

“I’m not competing with anyone lalo na  with Therese. I’m just competing with myself. Kumbaga po, I’m just competing with my past performances. So, gagalingan na lang po naming dalawa, at gagawin na lang po namin yung mahal po naming gawin which is pag-arte po,” saad ng bagong endorser ng Simply G.

vuukle comment

JAYR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with