^

PSN Showbiz

Vice at Anne, taob kina Karylle at Jhong

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Vice at Anne, taob kina Karylle at Jhong
Magpasikat winner

Ibang lakas ang pinakita nina Karylle at Jhong Hilario dahil mula sa pagiging third place noong 2017, itinanghal sila bilang ang Magpasikat 2018 champion sa It’s Showtime para sa kanilang orihinal na musical tungkol sa mga insekto at pagtanggap sa pagkakaiba-iba ng isa’t isa noong Sabado.

Isinalaysay ng musical ang kwento tungkol sa anak ng isang ipis at higad (Jhong) na piniling magpakatotoo sa sarili. Sa pamamagitan ng musika at rainbow flags, ibinahagi ng musical ang positibong mensahe ng pagmamahal at pagtanggap sa pagkakaiba ng lahat bilang pagsuporta sa LGBTQ (lesbian, gay, bisexual, transgender, and queer) community.

Bilang champion, wagi ng P300,000 para sa kanilang napiling charity ang buong team, na kinabibilangan din nina Hashtags Ronnie, Jimboy, at Rayt, at GirlTrends Chienna at Jessica.

Panalo naman sa second place ang team nina Vice Ganda at Amy Perez para sa makulay na performance tungkol sa pag-abot ng pangarap na itinampok ang trampoline dance act at pagkanta sa ulan. Nagwagi sila ng P200,000 para sa kanilang charity.

Nasungkit naman nina Anne Curtis at Mariel Rodriguez-Padilla para sa buwis-buhay nilang The Greatest Showman-inspired performance at nakakuha ng P100,000 para sa kanilang charity.

Nakatanggap naman ng parehong P50,000 bilang consolation prize ang teams nina Jugs Jugueta at Teddy Corpuz, at Vhong Navarro at Ryan Bang.

Bukod sa Magpasikat, naging highlight din ng ikasiyam na anibersaryo ng Showtime sa “anniBEKsary” edition ng “Miss Q and A” segment, kung saan nag-damit beauty queen at naglaban-laban ang lalaking hosts na sina Jugs, Teddy, Jhong, at Hashtags Nikko at Kid. Nagwagi naman sa kumpetisyon si Jhong bilang si Alakdawn Zulueta.

Bukod sa donation ng hosts sa iba-ibang charities namasko rin ang Tawag ng Tanghalan hurado na sina Jaya, K Brosas, Nyoy Volante, at Mitoy, at TNT singers na sina Froilan Canlas, Steven Paysu, Sheena Belarmino, Ato Arman, Marielle Montellano, Noven Belleza, Sam Mangubat sa kanilang pag-awit ng sikat na Christmas songs.

Ipagkakaloob nila bilang donasyon ang talent fees nila mula sa naturang production number sa Bantay Bata 163 program.            

vuukle comment

IT’S SHOWTIME

MAGPASIKAT 2018

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with