^

PSN Showbiz

Vice Ganda nagsalita sa tensyon nina Richard at Dingdong

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Vice Ganda nagsalita  sa tensyon nina Richard at Dingdong
Vice

Sobrang excited na si Vice Ganda para sa nalalapit na Metro Manila Film Festival sa Kapaskuhan. Isa sa mga pelikulang kalahok ang Fantastica na pinagbibidahan nina Vice, Richard Gutierrez at Dingdong Dantes. “Ang ganda ng dynamics nina Dingdong at Richard sa pelikula dahil friends pala talaga sila in real life. Walang tensyon o walang bigat sa kanilang dalawa Excited na akong mapanood ang pelikula nang buo. Gusto ko nang marinig ang mga tawanan ng mga tao. Nami-miss ko na ‘yung feeling ng filmfest events tuwing Pasko. Gusto ko nang makita ‘yung dami ng mga tao sa sinehan,” nakangiting bungad ni Vice.

Ayon sa komedyante ay talagang dapat pakaabangan ng mga manonood ang bagong pelikulang maghahatid ng saya sa buong pamilya. “Vibes siya, ‘yun ang term ngayon ng mga bagets. It’s a positive vibe. ‘Yung Fantastica isa din siyang ugali and especially these days, ang daming nagaganap na hindi positibo at marami na din na nakakalimot na ang buhay ay fantastic,” pagbabahagi ni Vice.

Janno, naalala ang pinagdaanan ng career nila ni Regine

Kamakailan ay muling pumirma ng kon­trata si Janno Gibbs sa Viva Artists Agency. Mahigit labinglimang taon na ang nakalilipas nang huling gumawa ng pelikula ang aktor sa Viva Films.

“I approached Veronique (del Rosario) if she is willing to manage me. Dinala niya ako sa daddy (Vic del Rosario) niya. Welcome naman ako, so it’s good to be,” pahayag ni Janno.

Samantala, masayang-masaya ang aktor dahil sa ginawang paglipat ni Regine Velasquez sa ABS-CBN. Matagal-tagal na rin kasing magkaibigan ang dalawa. “I’m happy for her. Kasi aside from S.O.P. home. Kasi ito naman talaga, Viva ‘yung nag-start sa akin eh, kung paano ako nakilala as comedian, before Ogie (Alcasid) ako ang ka-duet talaga ni Regine. Before magkasama kami sa management, kay Ronnie Henares, pareho kaming nag-start do’n. We did a movie sa Viva so malaking part din siya ng career ko. Perfect ‘yung timing kasi Ogie is there na, nando’n ‘yung asawa niya eh. So no questions asked na ‘di ba?” pagdedetalye ni Janno.

Umaasa ang singer-actor na muli silang magkakasama ni Regine sa pagkanta sa iisang entablado sa Kapamilya network. “I hope so. Parang sinasabi nga nila, gusto nilang mag-back-to-back, SOP sa ASAP ha-ha-ha! Kasi di lang kami, pati sina Jay-R, Kyla, Jona. Well, sana,” natatawang dagdag ni Janno. Matatandaang nakapag-guest na sa FPJ’s Ang Probinsyano ang aktor at kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto raw talaga ni Janno na muling umarte sa telebisyon. “I’ve met with them, with the bosses. Sabi ko, I enjoyed Probinsyano. If you have anymore shows for me, willing ako, gusto ko po,” pagtatapat ni Janno.

vuukle comment

FANTASTICA

METRO MANILA FILM FESTIVAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with