^

PSN Showbiz

Pinoy Playlist pinilahan ng Millennials

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Pinoy Playlist pinilahan ng Millennials
Ben & Ben

Matagumpay ang anim na gabing palabas ng kauna-unahang Pinoy Playlist 2018.

Napuno ang tatlong venue sa BGC Arts Cen­ter sa Taguig na kung saan nag-perform ang mga kilalang singers, performers na nakilala sa kani-kanilang genre.

Karamihan sa mga nakipila ay millennials, kaya bentang-benta ang hit na hit na bandang Ben & Ben at IV of Spades.

Pero ang nakakatuwa, sobrang na-enjoy naman ng millennials ang mga beteranong OPM artists gaya ng OPM Hitmen na sina Richard Reynoso, Chad Borja, Renz Verano at Rannie Raymundo. Pati ang matagal na naming hindi napanood na sina Dulce, Nanette Inventor, Mitch Valdez, lalo na ang napakagaling na si Jon Santos.

Kaya tuwang-tuwa ang mga magagaling na performers dahil mainit ang pagtanggap sa kanila.

Doon na rin sa Pinoy Playlist ay in-announce ang sampung finalists sa Philpop 2018.

Ang tuwang-tuwa nang husto at hindi napigilang maiyak ay si Kakai Bautista dahil nakapasok ang awiting Laon Akon na likha ng mga Bisa­yang sina Elmar Jan Bolano at Donel Transporto. Si Kakai ang interpreter nito.

First time daw niya kasing nakapasok sa isang professional songwriting competition kaya malaking bagay daw sa kanya.

Congratulations sa mga curator nitong Pinoy Playlist 2018 na sina Maestro Ryan Cayabyab, Moy Ortiz ng The Company at si Noel Ferrer.

Inaasahan nila na mas marami ang sasali sa susunod na taong Pinoy Playlist.

Kilalang actress/tv host sinusumpa ang masamang ugali ng staff ng nail spa na ini-endorse

Muli na namang naglalabasan ngayon ang negatibong kuwento sa kilalang actress/TV host na ito nang nagpahayag siya ng suporta sa pagpasok sa pulitika ng kanyang kapamilya.

Hindi ko na muna sasabihin kung nanay niya o tatay, pero sumama pa si actress nang mag-file ng Certificate of Candidacy ang taong ito na mahal na mahal niya.

Sabi ng ilang nakausap namin sa lugar na tatakbuhan ng taong ito, mabait naman daw itong kakandidato pero medyo malakas ang kalaban.

Makakatulong daw kaya itong si aktres dahil kilala siyang hindi ganun kaganda ang ugali?

Kuwento ng isang kaibigan na may hawak na nail spa, nag-request daw itong si aktres ng manikurista na mag-service sa bahay niya.

Pinapunta raw niya ng alas-nuwebe ng gabi, kaya pumunta naman si manikurista bago mag-alas nuwebe, pero wala pa raw doon si aktres, kaya pinaghintay ito.

Maputla at gutom na gutom na ang pobreng manikurista nang nagsimulang gawin ang kuko ni aktres dahil pasado alas-dose ng hatinggabi na pala ito dumating.

Okay naman daw sana kung pinakain nila ang manikurista habang naghihintay, eh wala raw talaga.

Sa kusina raw siya pinaghintay, pinainom ng tubig at pinanood lang ng TV, walang hapunan na ibinigay.

Tiniis na lang daw ni manikurista ang gutom, gusto nang tapusin ang paglinis ng kuko ni aktres. Pero pagkatapos nito, nagpagawa pa raw pala ang kapatid niya, pati ang nanay.

Wala naman daw binigay na tip, dahil endorser pala si aktres ng nail spa na iyun. Hindi man lang hinatid palabas ng village na tinitirhan nito. Kaya nahirapan pa ang pobreng manikurista na makahanap nang masakyan pauwi.

Nagalit daw ang may-ari ng nail spa na iyun at sinasabihang hindi na sila magpapa-service kapag gabi, kahit endorser pa nila ito.

Carla todo paghahanda sa pagpapamilya nila ni Tom

Hindi naman nail spa ni Carla Abellana itong tinutukoy ng blind item ko.

Masaya kasing kinuwento sa amin ni Carla sa set ng Pamilya Roces na excited siya sa pagkuha niya ng franchise ng Posh Nails. Isa ito sa mga negosyong in-invest ni Carla ilang paghahanda na rin sa future family na bubuuin nila ni Tom Rodriguez.

Inamin naman ni Carla na hoping siyang magpapakasal na sila ni Tom sa susunod na taon.

Mabuti at hindi naman daw siya pinababayaan ng GMA 7, na lalo niyang ikinatuwa nang ibinigay sa kanya ang Pamilya Roces na napapanood gabi-gabi pagkatapos ng Onanay.

vuukle comment

PINOY PLAYLIST 2018

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with