Jodi
Jodi Acupuncture Detoxification Specialist na!
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - October 21, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Wow, may bagong career na pala ang actress na si Jodi Sta. Maria.

Isa na siyang ganap na Acupuncture Detoxification Specialist!

Sa kanyang Instagram account account, binahagi niya ang tungkol sa bagong career. “Today, I am a certified Acupuncture Detoxification Specialist! After a week of intense training, I found a better appreciation for those actively practicing this. When you start your day healing people from 8am to 5pm, you realize that this is hard work. It is when we meet others’ needs that our needs are satifisfied in the process. By healing an individual, you heal a community. You need not be a medical practitioner to do this - all you have to be is someone who cares for another person’s well being.

“I met new people, made new friends, who I know will eventually become family because we share the same advocacy. I am truly grateful for all that I have learned here and I am fired up to share it with you! ,” ang caption ng actress habang hawak ang certificate of completion sa kanyang bagong pagkakaabalahan mula sa National Acupuncture Detoxification Association - Philippines.

Hindi nga nagsalita ng kahit ano si Jodi matapos ang hiwalayan nila ni Jolo Revilla. ‘Yun pala, sa ibang bagay nakatutok ang attention niya.

Common knowledge din na nag-aaral si Jodi - B.S Psycho­logy - kung saan siya nasa Dean’s List at siyempre mommy siya sa only child nila ni Pampi Lacson.

Wala pa siyang bagong teleserye after na matapos with Robin Padilla and Richard Yap na Sana Dalawa Ang Puso.

 Wala pang naririnig na bagong lovelife kay Jodi habang si Jolo ay sinasabing si Rhian Ramos na ang bagong GF.

Anway, karayom ang ginagamit sa acupuncture na sinasabing nakakagaling ng iba’t ibang klase ng sakit sa katawan.

Pero  yung pinupuntahan kong acupuncture clinic, doktor ang gumagawa.

Paghahanda pa rin kaya ito para sa pangarap na career ni Jodi - ang maging doctor?

JODI STA. MARIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with