Korina at Jeff, nagturo kung paano gumawa ng dokyu
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - October 21, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mahigit na 600 na estudyante  ng Far Eastern University (FEU), University of Santo Tomas (UST), at Holy Angel University (HAU) sa Pampanga ang sumali sa ABS-CBN Docu Caravan kamakailan lang para matuto at mahasa ang galing nila sa paggawa ng dokumentaryo mula sa mga batikang journalist na sina Korina Sanchez-Roxas, Jeff Canoy, at mga producer ng ABS-CBN DocuCentral.

Sa unang edisyon ng Docu Caravan sa FEU, tinalakay ni Korina ang nilalaman ng isang mahusay na dokumentaryo at idiniin ang halaga ng pagiging matiyaga sa pagtatalakay sa mga mainit na isyu.

“Ang maiging pananaliksik ang pundasyon ng isang magandang dokumentaryo, pumili kayo ng isyu na malapit sa inyo, at ikwento ang karanasan ng karaniwang tao upang mas lumawak ang mararating ng kwento o ng adbokasiya,” sabi ni Mrs. Mar Roxas.

Ayon rin kay Korina, importanteng sumikap na makapagsagawa ng pagbabago sa lipunan sa pamamagitan ng dokumentaryo at pagsasanaysay.

“Kung kaya mong maghatid ng impormasyon, kaya mo ring simulan ang solusyon,” dagdag niya.

Tampok rin sa FEU ang trailer ng Delikado Tayo,  isang dokyumentaryo tungkol sa estado ng HIV at AIDS sa bansa mula kay Korina at sa DocuCentral.

Sa UST at HAU naman, nagsagawa ng mga workshop ang DocuCentral sa paggawa ng dokyumentaro, mula sa pagpili ng magandang kwento base sa pagsasaliksik, paano ihasa ang abilidad sa paggamit ng kamera at pagsusulat, hanggang sa paggamit ng social media upang mapaabot ang kwento sa mas maraming tao.

Ayon naman kay Jeff, malaking bagay na maging tapat sa kwento at karanasan ng mga tao ang dokumentaryo.

KORINA SANCHEZ-ROXAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with