^

PSN Showbiz

Mike wala sa hitsurang inoperahan sa puso, mukhang bumata pa

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mike wala sa hitsurang inoperahan sa puso, mukhang bumata pa
Mike

Teary-eyed ako nang marinig ko boses ni Papa Mike Enriquez kahapon sa DzBB, Mama Salve.

Pumayat si Papa Mike pero bumagay sa kanya dahil bumata ang itsura niya. Masiglang-masigla siya at kung hindi natin alam na sumailalim siya sa heart surgery, walang mag-iisip na nagkasakit ang Mr. Imbestigador ng GMA 7.

Bilang executive ng News & Public Affairs ng Kapuso Network, dumalo si Papa Mike sa signing ng Memorandum of Agreement ng GMA Network Inc. at ilang organization para sa malawakang coverage ng Eleksyon 2019.

Kasabay ng MOA signing ang launch ng Pusuan ang Totoo, ang election advocacy ng GMA Network Inc.

Ang tagal kong hindi na­rinig ang boses ni Papa Mike dahil nga nagkasakit siya at kailangang magpahinga.

Talagang parang mayroong sundot sa puso nang marinig ko ang boses niya.

Welcome back, Papa Mike pero hinay-hinay lang. Huwag kang magpapa-stress dahil ayaw ng heart. Relax lang at huwag papagurin ang puso.

Overtime ang mga angels mo sa pagbabantay sa iyo para gumaling ka, kaya Papa Mike, we love you, stay healthy for us. 

QCIPFF kasado na!

Kasado na sa November 14 ang Quezon City International Pink Film Festival 2018 na suportado nina Quezon City Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte.

Ginanap noong Biyernes sa Annabel’s restaurant ang grand media launch ng Pink Festival na dinaluhan ni Councilor Mayen Juico, ang isa sa mga nagsusulong ng mga karapatan ng LGBTQ community. Si Mayen din ang special guest sa press launch noong October 9 ng Queen of Quezon City, ang beauty pageant para sa transgender women na residente ng Quezon City.

Ilang araw lang ang pagitan ng coronation night ng Queen of Quezon City sa November 10 sa UP Film Theater at ang opisyal na pagsisimula ng Pink Festival sa November 14.

Ang 50 Years of Fabulous, ang pelikula ni Jethro Patalinghug ang opening film ng QCIPFF at mapapanood ito sa Gateway Cinema Complex, Cubao, Quezon City.

Si Nick de Ocampo ang festival director ng QCIPFF at siya ang nagsabi na pinalaki at pinalawak ngayong 2018 ang naturang filmfest dahil 64 movies mula sa Pilipinas, Amerika, Brazil, Indonesia, Tonga, Spain, Taiwan, Japan, Thailand, Syria, Turkey at United Kingdom ang ipalalabas.

Ipinaalaala ni Nick sa mga nag-attend sa media launch ng QCIPFF na kasabay nito ang pagdiriwang ng 79th Foundation Day ng Quezon City at ang paggunita sa ika-100 taon ng pelikulang Pilipino.

Jolo walang kalaban sa puwesto

Tuwang-tuwa ako sa balita na walang kalaban si Jolo Revilla bilang Vice Governor ng Cavite.

Patunay ito na maganda ang naging serbisyo ni Jolo bilang Vice Governor kaya buong-buo ang tiwala sa kanya ng mga taga-Cavite.

Salamat naman, dahil kahit paano, napatunayan na iba pa rin maglingkod ang isang Revilla. Sana ganito rin ang tingin nila kay Lani Mercado at Strike Revilla.

vuukle comment

MIKE ENRIQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with