^

PSN Showbiz

Angel wala nang masyadong alam sa Darna

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Angel wala nang masyadong alam sa Darna
Angel

Nagbigay ng reaksyon si Angel Locsin tungkol sa pagpapalit ng direktor ng pelikulang Darna na pinagbibidahan ni Liza Soberano. Si Erik Matti ang nagsimula ng nasabing proyekto pero si Jerrold Tarog na ang gagawa nito ngayon. “Honestly wala akong masyadong balita sa Darna ngayon. Pero alam ko, ‘yon talaga ang pinakaimportanteng project ng ABS-CBN. So kung ano man ang mangyari sa Darna, alam ko na super ganda pa rin ang kalalabasan. Wala akong alam sa mga nangyayari pero excited ako na mapanood,” nakangiting pahayag ni Angel.

Gayunpaman ay suportado pa rin ng aktres ang pangunahing bida ng malaking proyektong ito ng Kapamilya network. “Oo naman, sobrang suportado ko si Liza,” giit ni Angel.

Kahit malandi, Marco nanay ang turing kay Vice

Magkaibigan sina Marco Gumabao at Vice Ganda kaya nabibigyan ng kulay ng ilan ang pagiging malapit ng dalawa.

Ayon kay Marco ay hindi raw talaga maiiwasang maugnay ang isang lalaki kay Vice. “Unang-una, hindi n’yo talaga maiiwasan talaga ‘yung ganyan. Basta ako, ang importante sa akin, alam ko ‘yung totoo. Si Vice, alam niya ‘yung totoo. ‘Yung mga kaibigan ko alam ‘yung totoo, na talagang parang nanay namin siya. Close kami, nanay-nanayan and I’m sure ‘yung mga Hashtags din naiisyu nang ganyan. Ako naiintindihan ko kasi si Vice talaga mahilig talaga siyang makisama. Masaya siyang kasama, so ako naman bakit ko isa-sacrifice ‘yung samahan namin para sa mga iniisip ng ibang tao? Kung alam kong hindi naman totoo ‘yung sinasabi nila, bakit ko papansinin, di ba?” paliwanag ni Marco.

“People can assume all they want pero hangga’t walang ebidensya, wala naman talaga. Kami ni Vice talagang alam namin ‘yung pagsasama namin is nanay-anak na turingan talaga,” dagdag pa ng hunk actor.

Kahit kailan ay hindi raw naram­daman ni Marco na pinagnasaan siya ni Vice. “Wala eh, tingin ko sa kanya malandi pero hindi eh. Siya pa nga ‘yung shy. Kapag lumalabas kami for example, laging sasabihin niya, ‘Oh, ‘wag kayong mambababae, ako muna ‘yung hanapin n’yo.’ Tapos kami, siyempre hahanapin namin siya. Siguro ‘yung iniisip ng tao na malandi siya, na mahilig siyang mang-ano, front lang niya ‘yon. Kasi ‘yon ang bumebenta sa mga tao, ‘yon ang nakakatawa eh. Alam niya personal kapag off cam, alam niyang hindi siya gano’n and alam rin naming hindi siya gano’n,” natatawang kwento ni Marco.

Para sa aktor ay mas dapat na pagtibayin ang respeto niya kay Vice dahil talagang mabuting tao ito sa kanya. “Normal naman sa mundo natin na nagkakagusto tayo sa isa’t isa or you find someone attractive, pero hanggang do’n lang. Mas nirerespeto ko pa siya dahil wala siyang ginagawa. Kasi may mga tao na talagang lantaran eh. Si Vice hindi talaga siya gano’n, not at all. Ako, never kong naranasan na naging gano’n siya to me or to any of my friends,” pagtatanggol ni Marco kay Vice.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with