^

PSN Showbiz

Mader sitang may hukbo ng fans

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Mader sitang may hukbo ng fans
Sitang

Napatunayan na namin kung gaano kalakas itong internet sensation na si Mader Sitang ng Thailand.

Si Mader Sitang ay kilalang lawyer na transgender sa Thailand na nag-hit ang mga ipinost nitong nagmu-model na umiikut-ikot ang ulo at naghi-headbang.

Dumating siya ng bansa mula Bangkok, Thailand nung nakaraang Biyernes ng hapon at talagang pinagkaguluhan siya sa airport pagdating.

Sinalubong pa siya ng mga bading na gumagaya sa kanya at fans nito.

Doon ko lang nalaman na sobrang involved pala itong si Mader Sitang sa mga nangyayari sa mundo.

Kagaya nung sumalanta ang bagyong Yolanda, isa pala si Mader Sitang sa nag­likom ng tulong para ipadala sa mga nasalanta ng natu­rang super typhoon.

Ngayon naman ay nangako siyang ang malaking bahagi ng kikitain sa mga shows niya rito ay ibibigay raw niya sa mga nasalanta ng bagyong Ompong. Kaya pawang positibong feedback ang nababasa namin sa kanya dahil kilala na pala siyang mabait at may malasakit sa mga tao.

Meron siyang show kagabi sa Club 690 at meron pa uli mamayang gabi.

Ang dami na tuloy gustong gumaya sa kanya at gusto siyang i-impersonate. Isa raw sa gumagaya sa kanya ngayon si Inday Garutay.

Jennylyn naghahanda kay Gabby

Nakakasa na nga ang drama series ni Jennylyn Mercado sa GMA 7 na ang buong akala namin si Derek Ramsay ang makakasama niya.

Pero hanggang negotiation pa lang ang nagaganap between Derek and GMA na sana ay magkasundo na sila sa susunod sa darating na mga araw.

Ang kinumpirma lang sa amin ay si Gabby Concepcion pala ang makaka-partner ni Jennylyn sa bagong soap na gagawin niya.

First time pa lang yatang magsama nina Jennylyn at Gabby kaya kaabang-abang na tandem na ito.

Very positive ang mga taga-GMA 7 dito dahil halos naman ng ginagawa ni Gabby ay maganda ang resulta sa ratings.

Malapit na raw nila itong simulan kaya hindi na muna tumatanggap si Jennylyn ng ibang raket.

Samantala, ilang fans naman ni Jennylyn ang nagmi-message sa radio program namin sa DZRH na sana mapanood naman daw nila ang Kapuso Ultimate star na kumakanta.

Matagal-tagal na ngang hindi napapanood si Jennylyn na kumakanta, kaya sana makarating ito sa Studio 7.

Maimbitahan sana nila si Jennylyn sa isa sa mga episode nito para makakanta naman siya uli.

Maganda kung magkaroon siya ng bonggang production number kasama sina Julie Anne San Jose, Christian Bautista at Mark Bautista tutal maganda naman ang feedback ng Studio 7.

Ivana may pagnanasa kay RK

Nagulat ang baguhang sexy star na si Ivana Alawi na bigla siyang ini-link ngayon kay JM de Guzman nang lumabas lang ang Playboy magazine na siya ang nasa cover.

Kasama si Ivana sa Araw Gabi kaya tinanong siya kung hindi ba nabig­hani si JM sa kaseksihan niya?

Wala ba talagang namagitan sa kanila ni JM?

“Walang ligawan o ano. Ano lang, normal texting lang, dinner.

“Walang ganun, saka focused siya kay Barbie (Imperial) eh,” napapa­ngiting sagot ni Ivana.

Mas namamalisyahan pa namin ang mga sagot niya tungkol kay RK Bagatsing na nakasama rin niya sa Araw Gabi.

May kilig ang sagot niya na si RK ang isa sa type raw niyang makahalikan pero tapos na ang Araw Gabi.

Ngayon naman ay kasama siya sa bagong teleseryeng Mea Culpa na kung saan si Kit Thompson naman daw ang makakahalikan niya. Excited din naman diyan si Ivana.

vuukle comment

MADER SITANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with