^

PSN Showbiz

Loisa ramdam na si Ronnie na ang makakatuluyan

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Loisa ramdam na si Ronnie na ang makakatuluyan
bahay ni Loisa

Masayang-masaya si Loisa Andalio dahil natupad na ang pangarap niyang makapagpagawa ng sariling bahay. Halos hindi makapaniwala ang aktres na sa kanyang batang edad ay patapos na ang kanyang bagong naipundar para sa pamilya. “Sobrang excited ako na para bang every week mo siyang pinupunthan, na nakikita mong unti-unti nang nabubuo ‘yung bahay mo, grabe may bahay na ako. Kasi no’ng bata ako hindi ko naisip na 19 years old ako, magkakabahay na ako. Iniisip ko ‘pag nakatapos na ako ng pag-aaral, do’n na ako magkakabahay. Kaya sobrang happy talaga ako na sa edad kong ‘to nakapagpatayo ako ng bahay para sa amin,” nakangiting pahayag ni Loisa.

Maayos ang samahan ngayon ng aktres at kasintahang si Ronnie Alonte. Nakikita na rin umano ng dalaga na posibleng magkakatuluyan sila ng aktor.

Samantala, kamakailan ay naging emosyonal ang aktres sa Tonight With Boy Abunda nang matanong namin tungkol sa kaibigang si Maris Racal. “Kaya talaga naiyak ako do’n kasi parang alam mo kasi sobrang nai-keep mo ‘yung bagay tapos biglang na-open ulit. Friends pa rin naman kami ni Maris. Siguro marami lang talagang changes and tama siya, magkakaiba lang talaga kami ng circle ngayon,” makahulugang pahayag ni Loisa.

Nash tatlong beses sumubok na makipag-ayos kay Alexa

Kahit nawalan na ng komunikasyon sa pagitan nina Nash Aguas at Alexa Ilacad ay nagkikita pa rin paminsan-minsan ang dalawa dahil sa trabaho. Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa ilang taon na ang nakalilipas.

“Actually nag-mall show kami last month. Tapos may mall show rin kami next week. Tapos nag-photo shoot kami three weeks ago. Tama naman ‘yung sinabi niya na we grew up and we grew apart. Pero kasi matagal na ‘yon, 2016. Kumbaga napag-usapan naman namin,” bungad ni Nash.

Matatandaang sumikat ang tambalan nina Nash at Alexa na mas kilala sa tawag na NLex kaya nagkaroon ng espesyal na ugnayan ang dalawa noon.

“At that time, special pa rin kung ano ‘yung meron sa kanya. So ayoko ka­sing may bad blood. As much as possible nga parang tatlong beses kong na-try na ayusin. Kumbaga natural naman siguro kung hindi nag-work siyempre may tampuhan pero after no’n, I made sure na before kami mag-part ways, maging maayos kami, nag-usap kami,” pagbabahagi ni Nash.

Aminado ang binata na talagang ibang-iba na ang turingan nila ni Alexa sa ngayon. “Hindi kami nag-uusap ng constant pero ‘pag pinagsama mo kami, ayos kami. ‘Yon ang masasabi ko. Hindi nga lang kagaya ng dati na laging magkasama pero okay kami,” pagtatapos niya.

vuukle comment

LOISA ANDALIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with