Mayor HB
Mayor Herbert mas gusto na lang maging ambassador?!
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - October 19, 2018 - 12:00am

Marami ang nagulat, nagtaka kung bakit hindi nag-file ng Certificate of Candidacy ang QC Mayor Herbert Bautista.

Ang unang ibinalita ay magpa-file daw siya bilang Congressman ng district 3 ng Quezon City, pero inabangan siya sa Comelec nung huling araw ng filing, walang Mayor Bistek na sumipot.

As of presstime, wala pa siyang statement sa desisyon niyang ito.

Kahit ang kapatid niyang si Harlene Bautista, walang sagot kung bakit hindi siya tumuloy sa pagkandidato.

Ang usap-usapan, baka bigyan daw ito ng posisyon ni Pres. Rodrigo Duterte.

Ang naalala ko kasi sa mga nakaraan niyang interviews, gusto raw niyang maging ambassador sa kung ano ang bansa. Malaki ang posibilidad na mabigyan nga siya ng posisyon ng ating pangulo.

Sumabay sa usap-usapang ito ni Mayor Bistek ay ang kumalat na litratong naghahalikan sila ng dating partner niyang si Ms. Tates Gana

Kuha pala yun sa asalto kay Tates na nagdiriwang ng kanyang kaarawan nung nakaraang Huwebes, October 17.

Sabi ng aming source, “Siyempre dapat na puntahan ni Mayor yan. Parang Pamilya Roces lang yan eh.

“Kung may selebrasyon si dyowa 1, dapat dun din siya kung may ce­lebration si dyowa 2. Pati kay dyowa no. 3 dapat dun siya di ba?”

Etong latest daw ang tinutukoy niyang dyowa number 3.

Mas mabuting abangan na lang daw ang statement ni Mayor Herbert kung ano ang plano pagkatapos ng term niya bilang alkalde ng Quezon City.

Jasmine pansin na pansin 

Nabanggit na rin lang ang Pamilya Roces, ang dami na ngang nakapansinkay Jasmine Curtis-Smith na magaling talaga siyang umarte.

“Magaling talaga siya,” sabi ni direk Joel Lamangan.

Hindi raw ito na-intimidate sa galing din ni Carla Abellana. Kaya ang latest nga raw kay Jasmine, bukod dito sa Pamilya Roces, isang Kapuso actress din ang makakasama niya sa isang pelikula.

Si Glaiza de Castro ang makakasama niya sa isang science fiction / thriller film na dinirek ni Eduardo Dayao.

First project ito ng dalawang Kapuso actress na tiyak na kaabang-abang dahil pareho raw silang magaling.

Baguhang sexy actress Itinanggi ang relasyon sa mayor

Mariing itinatanggi ng bagong sexy actress na si Ivana Alawi ang matagal nang natsitsismis na naging sila ng Sta. Rosa, Laguna Mayor Dan Fernandez.

Ipinakilala si Ivana kamakalawa lang bilang bagong cover girl ng entertainment issue ng Playboy magazine.

Sexy ang 21-year old actress na unang nakilala sa Starstruck 6 na si Mariam Al Alawi, at elder sister ng Kapuso child actress na si Mona Louise Rey.

Gusto raw niya talagang maging sexy actress na mala-Ellen Adarna ang dating.

HERBERT BAUTISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with