^

PSN Showbiz

Sikat na male personality hiwalay na sa ina ng mga anak na inglisera

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Maigsi lang ito. Bakit kaya malakas ang ikot ng balita sa mundong kinabibilangan ng isang pamosong male personality na hiwalay na sila ng ina ng kanyang mga anak?

Hindi na raw umuuwi sa kanilang bahay ang male personality, may kinuha raw siyang condo unit na regular niyang inuuwian ngayon, du’n din siya pinupuntahan ng kanyang mga kaibigan.

Ang ibinibigay na dahilan ng mga impormanteng nanghihinayang sa relasyon ng kilalang male personality at ng kanyang girlfriend—incompatibility.

Reaksiyon naman ng isa pa, “Siya naman kasi, e! Napakahilig niya sa mga babaeng English speaking!”

‘Yun lang!

Showbiz couple na subsob sa social media inilalagay sa peligro ang buhay ng mga anak!

Puro halakhakan ang maririnig mula sa isang umpukang nagpipista tungkol sa isang showbiz couple. Wala na raw kasing ginawa ang mag-asawa kundi ang mag-post nang mag-post ng mga pictures ng kanilang mga anak sa social media.

Nakakaalarma ‘yun, sabi ng isang miron, dahil baka sa kapo-post nila ng retrato ng kanilang mga anak ay minamanmanan na pala sila ng mga taong halang ang kaluluwa.

“Totoo, nakakatakot ang ginagawa ng mag-asawang ‘yun! Ang mga anak nga ng ibang artista, e, tagung-tago ang identity, hindi masyadong namumukhaan ng publiko, natatakot kasi sila na baka one day, e, may kumidnap sa mga anak nila!

“Pero itong mga artistang ito, walang takot! Konting kibot lang, nasa social media na ang pictures ng mga anak nila! Wala namang masama sa ganu’n, pero sana, pangsariling collection na lang nila ang mga pictures ng mga anak nila!

“Nakapag-alala lang ang ginagawa nila na tumawa lang nang malakas ang anak nila, e, naka-post na agad! Sinuotan lang nila ng costume ang mga anak nila, nakikita na agad ng buong mundo!

“Sana, bigyan naman nila ng privacy ang mga bata, maliban na lang kung ang mga ginagawa nila, e, para kuning model ng TVC ang mga anak nila! Puwede kasing ‘yun ang reason kung bakit nila ginagawa ang ganu’n, e!

“Tama bang pagkasipot pa lang ng anak nila, e, nasa social media na agad? Hindi ba puwedeng silang mga parents na lang ang kilala ng buong bayan?

“Nakakaloka sila, ha? Baka pagdating ng panahon, e, pagsisihan nila ang ganyan! Pabayaan na lang nilang lumaking normal ang buhay ng mga anak nila, ‘no!” naiinis pang komento ng aming source.

Ubos!

Mavy at Cassy hindi nahirapang tanggapin ang buhay Rustom

Kahanga-hanga ang ginawang pagpapalaki nina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel sa kanilang kambal na sina Mavy at Cassy. Lumaking marespeto at hindi spoiled ang kanilang mga anak.

Nu’ng nakasama namin sa isang talk show si Zoren ay palagi niyang kasama sa set ang kambal. Pagkatapos kasi ng aming trabaho ay siya mismo ang nagtuturo ng tennis sa magkapatid.

Tatay at nanay ang tawag sa kanila nina Mavy at Cassy, sa isang panahon na puro daddy at mommy ang maririnig mong itinatawag ng mga anak sa kanilang mga magulang, kakaiba ang tunog ng tatay at nanay.

Nu’ng kaya nang intindihin ng kambal ang pinagdaanang karanasan ni Carmina sa pakikipagrelasyon kay Rustom Padilla ay nagpakatotoo sila ni Zoren sa pagtatapat ng katotohanan.

Natatandaan pa naming kuwento nu’n ni Zoren, “Nagtatanong na kasi sila kung bakit daw palaging nababanggit ang pangalan ng mommy nila about Rustom. Ano raw ang reason?

“For me, that was a sign na kailangan na naming sabihin sa kambal ang totoo. Pero casual lang naming ipinaliwanag ‘yun sa kanila. Napakasimple. Walang kung anu-anong pasakalye.

“Sinabi namin sa kanila na minsan, naging husband ng mommy nila si Rustom. Pero nagkahiwalay sila dahil iba ang gustong makasama ni Rustom sa buhay.

“Hindi naman sila nababantayan nang twenty four hours, meron na silang sariling mundo bilang mga teenagers, kaya nakakapanood sila ng mga shows na nagiging topic ‘yung kina Rustom at Carmina.

“Wala nang mas gaganda pa sa pagsasabi ng totoo, ang they understood naman what happened,” kuwento ni Zoren.

Magandang magdala ng pamilya sina Zoren at Carmina, marunong ng mga trabahong bahay ang kambal, madisiplina rin sila bilang mga magulang sa paraan na hindi naman nila sinasakal sina Mavy at Cassy.

vuukle comment

MAVY AND CASSY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with