^

PSN Showbiz

Rosanna di namalayan na nakaranas ng depresyon

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Rosanna di namalayan na nakaranas ng depresyon
Rosanna

Aktibo nang muli sa show business si Rosanna Roces. Napapanood ngayon tuwing hapon ang aktres sa teleser­yeng Los Bastardos na pinagbibidahan nina Jake Cuenca, Marco Gumabao, Joshua Colet, Albie Casiño at Diego Loyzaga. 

Matagal na hindi napanood si Osang sa telebisyon at pelikula. Aminado ang dating sexy actress na nakaranas siya ng matinding depresyon noon. “Hindi ko nga alam na depression pala ‘yon eh. ‘Yung mapusok ka lang, lagi kang galit pero di ka nakakapag-isip nang tama pero since nagkakaedad ka, ‘Ay! Mali pala ang mga ginawa ko dati,’”pagbabahagi ni Osang. 

Sobrang ikinalungkot ng aktres ang pagkakawalay sa kanya ng apong si Gab na supling ni Jolo Revilla sa anak ni Osang na si Grace Adriano. Sa ngayon ay maayos na ang pakikitungo nina Osang at Jolo sa isa’t isa kahit nasa poder ng aktor ang bata. “‘Pag nakita mo naman na maayos ‘yung palaki sa apo mo, nag-aaral nang mabuti, okay na sa akin ‘yon,” giit ng aktres. 

Ngayon ay ini-enjoy na lamang daw ni Osang ang kanyang karakter sa nasabing serye dahil ibang-iba ito sa kanyang mga ginawa noon. “Medyo kaunting comic relief kami kaya magaan, hindi mabigat, hindi ako nahirapan,” pagtatapos niya.

Alex at Toni, hindi iniisip ang mga kalaban sa MMFF

Masayang-masaya si Alex Gonzaga dahil isa sa mga pelikulang kalahok sa nalalapit na Metro Manila Film Festival ang pelikulang Mary, Marry Me na pinagbibidahan nila ng kapatid na si Toni Gonzaga.

Halos hindi makapaniwala si Alex na makapagbibida na siya sa isang pelikula para sa MMFF. “Sa totoo lang hindi namin ini-expect. Kasi nabalitaan naming 16 films ‘yung nagpasa and then four lang ‘yung makukuha. No’ng nakuha kami, parang hindi kami makapaniwala. Kasi no’ng bata kami nanonood lang kami ng MMFF, pumipila pa kami. So ngayon, isa na kami ngayon sa mga pelikula na mapapanood. Kasi ‘yon din ang ginagawa namin before. Ang galing lang na nag-turn around na ngayon, na isa na kami sa pipiliin para mapanood,” nakangiting pahayag ni Alex. 

Hindi na raw iniisip ng magkapatid ang iba pang malalaking pelikula at artista na kanilang makakalaban sa takilya ngayong Kapaskuhan. “Hindi naman namin iniisip na ni ate ‘yon. Sabi nga namin, ‘the fact na nakasama tayo sa MMFF okay na ‘yon. And kung may manonood sa amin and makasama tayo sa options is enough na. To be part of the Christmas celebration of every Filipino,” pagtatapat ni Alex. 

Si Sam Milby ang leading man sa nasabing pelikulang ginawa ni Paul Soriano.

vuukle comment

ROSANNA ROCES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with