^
Crazy Rich..., naging gold digging.. sa China!

Crazy Rich..., naging gold digging.. sa China!

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - October 17, 2018 - 12:01am

Ay ginawang Tales of the Gold Digging ang title ng pelikulang Crazy Rich Asians sa China.

Yup, iniba ang title nito kasabay ng pag-iiba ng meaning ngayong pinayagan na itong ipalabas sa nasabing bansa ayon sa report ng CNN. Showing na ito sa China sa November 30.

Pumatok sa US at maging dito sa atin ang Crazy Rich Asians na kuwento ng isang girl na walang alam tungkol sa pagiging sobrang yaman ng kanyang boyfriend na Singaporean. Ipinakita sa pelikula ang lifestyle ng mga Asyanong sobra-sobra ang yaman.

Ayon sa nasabing report ng CNN, hindi sumasang-ayon ang Chinese government sa ganitong tema na nagpapapakita ng sobra-sobrang pagdi-display ng kayamanan.

Pinaiiral din sa China ng mga film regulator ang hanggang 34 foreign films lang na palabas every year banggit pa sa report ng CNN.

Umabot na sa $228 million ang kita ng Crazy Rich Asians sa buong mundo na pinagbibidahan ng Asian stars na sina Cons­tance Wu, Henry Goldin , Michelle Yeoh, among others.

CRAZY RICH ASIANS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with