Heart Local Product ang nirarampa
Speaking of Kamiseta, ‘yun pala ang brand na sinusuot ngayon ni Heart Evangelista.
Nakikita ko sa Instagram account niya na local products ang nirarampa niya.
Kuwento kasi ng isang source, dahil sa nagsulputang malalaking international brand sa local market, umano’y nagsa-suffer ang local products.
Yup, as in kawawa daw ang local manufacturers sa trending ngayon ng mga tatak ng damit lalo na nga’t ang ginagawa ng mga artista pino-promote pa nila ang mga high end brand na binibili naman nila. Kaya ang ending, ang karamihang Pinoy, para lang makasunod sa uso, kahit class A quality ng same brand ‘yun ang tinatangkilik. O kung hindi naman, ‘yung mga imported brand na madalas din nilang makitang suot ng mga celebrity natin.
Kaya naman, bongga si Heart. Local brand ang pino-promote at pina-patronize niya.
At least sa casual wear, local brand ang actress na kilalang collector ng Hermes bag at mga sosyal na sapatos.
Kilala sa international fashion world at kung siya ang magki-carry ng local brand like Kamiseta, malaking boost ito sa nasabing brand.
- Latest