Regine
Regine bawas ang talent fee sa Kapamilya?!
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - October 16, 2018 - 12:02am

MANILA, Philippines — Walang banggit sa kanyang pagiging Kapamil­ya, pero kahapon ay nagbigay na ng statement si Regine Velasquez sa kanyang pinagdadaanan.

Marami rin kasing natanggap na bashing si Regine matapos nga siyang mag-decide na lumipat sa ABS-CBN after 20 years of being sa Kapuso. Naakusahan siyang walang utang na loob, walang loyalty at kung anu-ano pa.

Nagpasalamat lang siya sa mga taong nagtanggol sa ginawa niyang decision.

“Para sa lahat ng sumusuporta sa akin mara­ming maraming salamat sa pagtatanggol nyo sakin  naging kasama ko kayo sa lahat ng pinagdadaan ko. Sana wag kayong magsawa. Love you guys thank you again.”

Pero true kaya na hindi kasing laki ng talent fee ni Regine sa GMA ang matatanggap niya sa ABS-CBN?

Ganun daw usually ang nangyayari. Hindi kasing laki ng TF sa inalisan nilang network ang natatanggap ng mga bagong lipat.

Anyway, I doubt kung magsasalita si Regine tungkol sa TF pero sure ang source tungkol sa isyu ng kadatungan sa pag-iiba ng channel ng Asia’s Songbird.

Ayon naman sa isang malapit kay Regine, hindi isyu sa Asia’s Songbird ang pera.

REGINE VELASQUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with