Ethel Booba tumangging tapatan si Mocha
MANILA, Philippines — Ang saya-saya siguro kung pinagbigyan ni Ethel Booba ang request ng kanyang followers na kumandidato siya bilang representative ng Charrot Party List.
Hahaha.
Charrot ang favorite word ni Ethel na sumikat sa Twitter. In all fairness, may sense naman ang mga sinasabi niya tungkol sa mga nangyayari sa ating kapaligiran partikular na sa pulitika kaya may nagpu-push na kumandidato rin siya tulad ni former Asec Mocha Uson na nag-file ng candidacy bilang representative ng Kasosyo Party List.
Ang saya-saya sana raw ng kampanya kung sumali rin si Ethel na pumatok din ang nilabas na libro.
- Latest