^

PSN Showbiz

Vice nawindang sa ganda ni Marian

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Vice nawindang sa ganda ni Marian
Marian at Vice

Faney na faney si Vice Ganda kay Marian Rivera.

Kasamang dumating ni Dingdong Dantes ang kanyang misis sa last shooting day ng Fantastica: The Princess, The Prince and The Perya sa Batangas the other day.

“Nung natitigan ko yung mukha ni Marian napaisip talaga ko kung paano ko naging artista!!! Di ako nakarecover agad! Fowtah ang ganda e! ,” tweet ni Vice nung isang araw.

Ang tanong, may special participation ba si Marian sa pelikula?

Walang banggit si Vice pero may nag-confirm na may special participation si Yan Yan.

Bongga kung ganun, kahit cameo lang, ayos na rin.

Wait si Sarah Labahti kaya may special participation din sa movie bilang starring din sa Fantastica… si Richard Gutierrez?

Wait natin ‘yan.

Parang ang saya-saya ng Metro Manila Film Festival ngayon. October pa lang, last shooting day na.

Samantalang dati, December 20 na may mga pelikulang hindi pa tapos sa post production at naghahabol pa.

Pero now maganda ang ginawa ng MMFF, may early deadline sila.

Pasiklaban ng Showtime, umpisa na

Speaking of Vice, ngayong araw na ang umpisa ng inaabangang pasiklaban ng It’s Showtime family sa Magpasikat Week para sa kanilang 9th anniversary (mula Oktubre 15 hanggang 20).

Pero nung Sabado inilunsad muna nila ang bagong online tambayan para sa madlang people bilang pagdiriwang ng anibersaryo nila ng pagbibigay ng saya at good vibes.

Nagbukas ang Showtime Online Universe, kung saan napapanood ang tatlong bagong online shows na kikiliti sa bawat trip ng madlang people tampok ang Hashtags, Miss Q and A  grand winner na si Juliana Parizcova Segovia, at Funny One grand winner na si Donna Cariaga.

Talas ng isip at galing sa talakan ang aabangan sa witty battles ni Juliana sa And I Thank You tuwing Martes, 5 PM.

Maki-bonding naman sa iba’t ibang kainan at pasyalan kasama ang Hashtags sa show nilang Hashtag Roadtrip na eere kada Miyerkules ng 5 PM.

Mga suliraning pag-ibig naman ang tatalakayin ni Donna sa hatid niyang katatawanan at mga hugot sa Donna What To Do tuwing Miyerkules ng 5 PM.

Anyway, abangan kung ano na naman ang bagong ipapamalas ng teams nina Anne Curtis at Mariel Rodriguez-Padilla kasama sina Jameson, Ryle, Tom, Kid, Sammie, at Kamille; Jugs and Teddy kasama sina Zeus, Vito, Maru, Mica, at Joana; Karylle at Jhong Hilario kasama sina Ronnie, Jimboy, Rayt, Chienna, at Jessica; Vhong Navarro at Ryan Bang kasama sina Nikko, CK, Paulo, Dawn, at Maika; at Vice Ganda at Amy Perez kasama sina McCoy, Luke, Wilbert, Krissha, at Mikee.

 Ang team ni Vhong ang nagwagi noong nakaraang taon. Kaninong team naman kaya ang mananaig sa pasiklaban ngayong 2018?

vuukle comment

MARIAN RIVERA

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with