^

PSN Showbiz

Jake hinihintay sa kampanya!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Jake hinihintay sa kampanya!
Jake

Masisilayan na naman ng mga Manileño si Jake Ejercito dahil sure na tutulong ito sa kampanya para sa re-election ng kanyang ama, si incumbent Manila City Mayor Joseph Estrada at ng kapatid niya na si Jerika na kakandidato na konsehal sa 4th District ng Maynila.

Hindi pa nakakalimutan ng mga tao ang special participation ni Jake sa phenomenal kalyeserye ng Eat Bulaga kaya pinagkaguluhan siya ng fans nang samahan niya si Jerika nang mag-file ito ng Certificate of Candidacy noong October 11.

Sanay na sanay na si Jake sa pag-iikot sa Maynila dahil tumulong din siya sa kampanya ng tatay niya noong 2016.

Kainitan ng kalyeserye ng Eat Bulaga, two years ago, kaya dinumog si Jake ng mga faney. Maraming kuwento si Jake nang magkita kami noon sa restaurant sa San Juan City na pag-aari ng pamilya niya.

Nawindang ang bagets dahil pati raw ang kili-kili niya, hinahalikan ng nagkakagulo na fans. Malamang na maulit ang scenario kapag nagsimula nang mangampanya si Jake sa March 2019  para sa kandidatura ni Papa Erap at ng Ate Ika niya.

Paglipat sa ABS  ni Regine,  sobra naman  ang reaction

Sobra naman ang reaction sa lipatan ng mga artista Mama Salve. At la­test nga dito iyon paglipat ni Regine Velasquez sa Channel 2 mula sa GMA 7.

Kung maraming stars ang lumilipat, hindi ibig sabihin discontented sila. Hindi rin ibig sabihin meron silang hindi gusto. Para lang ‘yan paghahanap ng bahay, pag nakita mo mas maayos at sakto ang presyo sa iyo, lilipat ka kahit sanay ka na at gusto mo rin iyon luma mong bahay.

Tapos pag nandun ka na sa nilipatan mo either may makita kang palpak o ma-feel mo mas maganda sa dati mong bahay. Ganun lang iyon. Hindi ibig sabihin kaya lumipat hindi na niya gusto iyon dati, human nature lang natin na tingnan kung ano ang iba sa kabila at kung ano ang bago.

Kung maraming lumilipat sa 2, marami rin lumilipat sa 7. Mas maganda nga dahil at least naiiba-iba ang rekado. Ang hirap din naman na lagi na lang iyon ang sahog, at least now makita mo kasama ni Regine si Sharon o si Sarah Geronimo. Tapos iyon mga batang singers ng 7 mabigyan na rin ngayon ng pansin, siyempre nun nandiyan si Regine second o third layer lang sila.

Ngayon baka sakali, they can prove na puwede pala silang ilagay sa first layer. Times are changing, kailangan din mabago ang eksena, hindi puwede ganun lang nang ganuon ang paninda mo na ibibigay sa televiewers kaya all the chances kinukuha mo. Gusto lumipat nito, ok go.

Gusto niya pumasok dito, ok tanggapin. Paikot-ikot lang naman. Tingnan mo si Ogie Alcasid, from 7 to 5 to 2, walang problema.

Ganundin si Regine, kung saan niya gusto ok lang. Wala naman permanente, lahat nagbabago.

So why hang on to something kung may iba ka naman chances, at why stop one who like to go?

Tuloy ang buhay. Walang nabago, ‘di ba?

Lito hinihintay mag-file ng candidacy

Confirmed na ang pagkandidato ni Lito Lapid na senador sa eleksyon sa May 2019 pero hindi pa siya nagsa-submit sa Comelec ng Certificate of Candidacy niya.

Naglingkod si Lito bilang senador noong 2004 hanggang 2016 kaya parang babalikan lang niya ang puwesto na iniwan dahil nakumpleto na ang kanyang termino.

Mainstay si Lito ng Ang Probinsyano pero walang nakikita na conflict ang production staff sa muling pagkandidato niya dahil baka tapos na ang primetime te­leserye ni Coco Martin kapag nagsimula na ang kampanya.

BFF na sina Lito at Coco mula nang magka­sama sila sa Ang Probinsyano kaya si Lito at ang anak nito na si Mark ang madalas na kasama ni Coco sa mga show nito sa ibang bansa. Si Lito rin ang favorite companion ni Coco sa Sopresaya Truck ng Ang Probinsyano.

Nathalie hindi agad natanggap ang kapatid

May kapatid na transgender woman ang sexy actress na si Nathalie Hart.

Younger kay Nathalie ang kanyang sisterette na Belle ang pangalan at nani­nirahan sa Australia. Mestisa at mapagkakamalan na tunay na girl ang kapatid ni Nathalie kaya hindi ito nawawalan ng mga admirer.

Ipinagtapat noon ni Belle na hindi tang­gap ni Nathalie ang pagkatao niya na nakapagtataka dahil kilala sa pagi­ging libe­rated ang buntis ngayon na sexy actress.

vuukle comment

JAKE EJERCITO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with