^

PSN Showbiz

Jake pahinga na sa pagdyo-dyowa ng showbiz!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jake pahinga na sa pagdyo-dyowa ng showbiz!
Jake

Inamin ni Jake Cuenca na malaki talaga ang paghanga niya kay Erich Gonzales na nakasama noon sa teleser­yeng The Blood Sisters. Hindi lamang daw niligawan ng bina­ta ang aktres dahil mas pinagbutihan ang pagtratrabaho para sa serye. “I really, really had a crush on her while doing Blood Sisters. Mas naging priority ko naman maging mabu­ting leading man sa kanya kahit kontrabida ako sa show. Kung mapapansin ninyo, matagal na akong hindi nagde-date ng artista. There’s a reason for that. I realized that I don’t want to mix business with pleasure,” pagbabahagi ni Jake.

Mas pinili ng aktor na hindi muna magkaroon ng bagong kasintahan dahil trabaho muna ang pinagtuunan ng panahon. “Kung gustung-gusto ko talaga, hindi din naman ako mapipigilan eh. At that time I was given the opportunity to work, it was a very challenging role for her. ‘Yung mas nangibabaw sa akin, kahit kontrabida ako dito maging mabuting leading man ako sa kanya. Hirap, marami akong pinoproseso at that time,” makahulugang paliwanag ni Jake.

Loisa dedma kahit sinasabihan ng malandi

Mainit na pinag-usapan sa social media ang video post ni Loisa Andalio sa kanyang instagram account noong isang linggo.

Makikita sa kontrobersyal na video na buhat ng kasintahang si Ronnie Alonte na sumakay sa elevator ang aktres at magkayakap ang dalawa. Patuloy na binuhat ng aktor si Loisa pagkalabas ng elevator habang naglalakad. Dahil dito ay maraming masasakit na salita ang ibinato kay Loisa ng online bashers ay may ilang pinagsabihan ang aktres na ‘malandi’. “Actually, ang daming nagpapa-delete sa akin. Pero kasi ‘pag dinilete ko sasabihin nila sobrang affected ako and totoo ‘yung mga sinasabi,” nakangiting pahayag ni Loisa.

Iginiit naman ng dalaga na normal lamang sa mga magkasintahan katulad nila ni Ronnie ang maglambingan paminsan-minsan. “May mga mag-jowa diyan na gano’n din naman. So parang kulitan siya. ‘Yung iba kasi masyado nilang bini-big deal ‘yung gano’ng mga bagay. Para sa akin, ang closed ng pag-iisip nila and ang dumi ng pag-iisip nila para mag-isip ng gano’n. Parang ang dami pang bagay ang mas worse do’n pero parang sa mga comments nila, parang buntis ako, parang sobrang OA (over acting),” pangangatwiran ng dalaga. Para kay Loisa ay hindi na lamang niya pinapansin ang mga negatibong komento tungkol sa kanya mula sa netizens. “Hindi na lang ako nagpapaapekto sa kanila. Kasi alam ko naman sa sarili ko na talagang malinis ang loob ko,” giit ng aktres.

vuukle comment

JAKE CUENCA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with