^

PSN Showbiz

Maine spoiled sa fans!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Maine spoiled sa fans!
Maine

SEEN: Ang correction ni Vice Ganda na Fantastica lang at hindi Fantastica: The Princess, The Prince and The Perya ang pamagat ng pelikula niya na official entry sa Metro Manila Film Festival 2018.

SEEN: Magkasabay na lumipad kahapon sa Ormoc City sina Richard Gomez at Sharon Cuneta. Kukunan sa Ormoc ang mga eksena ng Three Words to Forever, ang reunion movie nina Richard at Sharon na may playdate sa November 2019.

SCENE: Sa Ormoc City ang shooting ng ilang mga eksena nina Sharon at Richard para hindi magkaroon ng conflict ang filming ng Three Words to Forever sa mga obligasyon ng aktor bilang alkalde ng siyudad.

SEEN: Parang weekly television series ang kuwento ng Daddy’s Gurl dahil dapat tutukan at subaybayan ang bawat kabanata ng bagong sitcom ng GMA 7 na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Maine Mendoza.

SCENE: Nag-trending noong Sabado ang pilot telecast ng Daddy’s Gurl dahil lampas sa isang milyon ang mga tweet tungkol sa sitcom nina Vic at Maine.

SEEN: Spoiled si Maine Mendoza sa fans niya na nagdala ng lechon baka at lechon baboy sa set ng Jack Em Popoy: The Pulis Credibles, ang Metro Manila Film Festival movie nila nina Coco Martin at Vic Sotto.

SCENE: Nag-celebrate kahapon si Maja Salvador ng 30th birthday niya sa ASAP. Noong October 5 ang actual 30th birthday ni Maja. 

SEEN: Kahapon ang 72nd birthday ni Joey de Leon na likas na masayahin kaya mas bata ang kanyang itsura kesa sa edad niya. Ipinagdiwang ni Joey ang kaarawan niya sa pamamagitan ng paliligo kahapon sa malakas na buhos ng ulan.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with