^

PSN Showbiz

Kathryn umatungal nang kantahan ni Daniel

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Kathryn umatungal  nang kantahan ni Daniel
Daniel

Dalang-dala na ang sariling concert

Hindi talaga madi-deny ang lakas ni Da­niel Padilla sa fans!

Parang hindi naman na-promote nang mabuti itong concert niya nung kamakalawa ng gabi na Daniel Padilla: Back At The Araneta, pero sold out at pinadala nga sa amin ang mga kuha sa labas ng Araneta Coliseum, ang dami ng taong nag-abang sa labas.

Kuwento ng aming source na nandun sa concert, dalang-dala na raw ni Daniel ang sari­ling concert na hindi na kailangan ng napakaraming guests.

Hindi nila alam kung biro o totoo yung sinabi ni Daniel na sampu raw ang inalok nilang mag-guest pero tumanggi raw lahat. Pero sulit na sulit na sila sa partisipasyon nina Jericho Rosales at Ian Veneracion na may special number kasama si Daniel.

Wala sa concert si Karla Estrada at ang isang kapatid ni Daniel, pero sinorpresa naman siya ng iba niyang kapatid at pinsan.

Walang partisipasyon si Kathryn Bernardo na nanood lang. Pero punung-puno pa rin ng kilig nang kinantahan siya ni Daniel ng Just The Way You Are. Crayola si Kathryn habang kinakantahan siya ng kanyang boyfriend.

Bago natapos ang concert, nakiusap si Daniel sa mga fans na itigil na ang awayan. Dapat magrespetuhan daw sa isa’t isa.

Andrea hindi malimutan ang ginawa ni Sef

Muling pumirma si Andrea Torres sa GMA 7 nung nakaraang linggo.

Hindi lang sinabi kung ilang taon ang pinirmahan ng sexy Kapuso actress pero hindi naman daw importante ‘yun dahil sobrang happy siya sa magandang pag-aalaga sa kanya ng GMA 7, kaya pirma na lang daw siya agad na walang tanong tanong.

Bukod sa Victor Magtanggol na na-enjoy daw niya nang husto, hindi pa alam ni Andrea kung ano pa ang mga programang ibibigay sa kanya sa 2019.

Ang isa lang daw sa wish niya sa 2019, na sana magka-boyfriend na raw siya.

Basta kung sakaling magka-boyfriend daw siya, dapat boto raw ang magulang niya.

“Hindi naman ako choosy pag magbu-boyfriend. Gusto ko lang ‘yung gusto ng parents ko, at naintindihan ‘yung work ko siyempre. Dapat approved ng parents.

“Naniwala na ako sa mother’s instinct,” nakangiti niyang pahayag.

Natutunan na raw niya kasi nung nakaraang relasyon na hindi niya sinunod ang mommy niya, tama raw pala talaga sila.

Mukhang si Sef Cadayona ang tinutukoy pero ngumiti na lang si Andrea.

Piolo nanggago ng basher!

Hindi na rin nakapagpigil si Piolo Pascual, pinatulan na rin ang isang basher na nagkomento sa isang post niya kahapon.

May ipinost kasi siya sa kanyang Instagram account na kuha ng isang kaibigang pareho silang naka-mudpack, kaya hindi sila pareho mamukhaan. Parang girl naman itong kasama niya sa litrato, dahil nakasuot ng tank top na pang-girl.

Binati niya itong kaibigan ng happy birthday, na mukhang close na close sila.

May isang basher na nagkomentong “For sure boyfriend nya yan.”

Kaagad sinagot ito ni PIolo ng “gago ka ba??!!!”

Kinuyog itong basher ng mga fans ni Piolo na natuwa dahil pina­tulan niya ito at gusto nila ang sagot ng Kapamilya actor.

Dati kasi hindi na lang ito pinapansin ng aktor, pero mukhang close siya sa binating kaibigan kaya napikon na ito.

vuukle comment

DA­NIEL PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with