Vilma
Ate Vi may inaayos na batayan para gumawa ng pelikula
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - October 15, 2018 - 12:00am

Updated naman si Cong. Vilma Santos sa happenings sa showbiz. Ibig sabihan lang na hindi natatabunan ng napakarami niyang gawain sa Kongreso ang pagiging artista. Kung maari at may pagkakataon, gagawa at gagawa siya ng pelikula na maipagkakapuri niya at hindi maglalagay sa alanganin sa kanyang posisyon bilang isang public servant. Kung pana-panahon lamang siyang napapanood sa big screen, wala sa kanya ang diprensya, nasa mga binabasa niyang script.

Marami ang hindi pumapasa sa kanyang panlasa. Sinabi niya na may ilan na rin siyang tinanggihan. Pangunahing criteria niya ay kailangang mas maganda sa huling ginawa niya, mas challenging at mas maalala ng marami. She has also to consider kung sino ang makakasama niya, para mas umangat pa ang growth nila.

Kim pang-award sa lampungan  kina Dennis at JC

Si Kim Chiu na marahil ang maituturing kong pinaka-masipag na artista natin ngayon. Wala itong inuurungan, lahat sinasabakan, and to her credit, nalulusutan niyang lahat. Kumakanta siya, naghu-host, triathlete, sumasabay sa aktingan at sumusugal maski na sa mga bagong kapareha.

Sa dami ng naghahangad na mapasama sa MMFF 2018, swerteng napili ang movie niya bilang entry. Hindi naman ito kataka-taka dahil si Eric Quizon ang direktor ng movie na may pamagat na One Great Love. Dalawang sikat at magagaling na aktor ang kapareha niya, sina JC de Vera at Dennis Trillo. Pumayag din daw itong makipaglampungan sa dalawa niyang kasamang artista at sinasabi ng marami na pag-award ang performance niya sa film.

Sandino may future ang akting

Umariba naman si Sandino Martin sa episode ng MMK nung Sabado. Sa kabila ng marami na siyang nagagawang movie projects, hindi pa ganun karami ang nakakakilala sa kanya. Marami nga ang nagtanong kung sino ba yung gumanap bilang kapatid ni Bianca King sa nasabing episode. Marami ang na-touch sa pagmamahal na ibinigay niya sa kanyang kapatid sa istorya. In fairness to Sandino na madalas mapagkamalang si Ronwaldo Martin na kapatid ni Coco Martin, may sarili siyang husay sa pag-arte. Ang stint niya sa MMK ay magbibigay sa kanya ng mas marami pang roles.

VILMA SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with