John Lloyd
John Lloyd pa-jeep jeep na lang!
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - October 12, 2018 - 12:00am

Nag-blend sa fans

Isang taon na this month of October ang hininging indefinite leave of absence ng actor na si John Lloyd Cruz sa kanyang home studio, ang ABS-CBN at Star Magic na siyang nangalaga ng kanyang career since he started in 1997.  All in all, he’s been in showbiz for two decades dahil huminto siya in October last year.

Sobrang tinamaan si JLC sa live-in partner (o misis na?) nito ngayon, ang (dati) ring Kapamilya actress na si Ellen Adarna dahil nakuha nitong talikuran ang kanyang booming showbiz career in favor of a simple life with her and their almost four months old baby na si Elias Modesto Adarna Cruz na isinilang sa isang hospital in Cebu City nung nakaraang June 27, 2018.

Kamakailan lamang ay naging viral ang picture ni JLC na nakasakay sa loob ng isang pampasaherong jeepney, isang patunay na gusto na nitong mamuhay nang simple away from the klieg lights na kanyang nakasanayan since he was in his teens.

Although marami ang nanghihinayang sa ginawang desisyon ni JLC at maging ni Ellen na talikuran ang showbiz, the couple is entitled to their own actions and privacy.

Bago dumating si Ellen sa buhay ni John Lloyd ay na-link ito noon kina Kaye Abad, Ciara Sotto, Liz Uy, Ruffa Gutierrez, Shaina Magdayao at Angelica Panganiban.

Batikang direktor ng mga komedi na  si mike relon makiling, pumanaw sa cancer

Muli na namang nagluluksa ang industriya ng pelikulang Pilipino sa pagpanaw ng veteran writer-director ng mga hit comedy films na si Direk Mike Relon Makiling na sumakabilang-buhay sa sakit na colon cancer sa edad na 86.

Nagsimulang magdirek si Direk Mike in 1976 sa pamamagitan ng pelikulang Beloy Montemayor na tinampukan nina Ramon Revilla, Sr. at Rosanna Ortiz at ang kanyang huling pelikulang dinirek ay ang Dalaginding in 2002.

Si Direk Mike ay noted sa kanyang mga ginawang action and comedy films.

Naidirek niya noon sina Ramon Revilla, Sr., Lito Lapid, Phillip Salvador, Rudy Fernandez, Bembol Roco at iba pa sa action movies habang sa comedy naman ay pinangunahan ito nina Dolphy, Tito, Vic & Joey, Jimmy Santos, Rene Requiestas, Ogie Alcasid, Herbert Bautista at iba pa.

Nakapag-direk si Direk Mike ng halos 100 pelikula at mahigit sa kalahati nito ay siya rin mismo ang nagsulat.

Direk Mike is survived by his eight children. Ang kanyang mga labi ay nakalagak ngayon sa #1008 Roxas St., Balic-Balic, Sampaloc, Manila.

Mitoy at Banda, may concert sa pang-sampung taon

Sa kabila ng pagiging first winner ni Mitoy Yonting ng The Voice Philippines in 2013, hindi niya kailanman iniwan ang kanyang itinatag na banda ten years ago, ang The Draybers kung saan siya tumatayong co-founder, lead vocalist at rhythm guitarist.

Ang The Draybers ay tinatampukan din nina Edwin Garcia (keyboards), Jerome `Luky’ Reformano (bass), Jude Santos (drums), Cesar Uy Salazar (lead guitars) at ang nakababatang kapatid ni Mitoy na si Mylo Yonting (rhythm guitar, co-founder). 

At bilang selebrasyon ng kanilang ika-sampung taon, sina Mitoy Yonting at The Draybers ay magkakaroon ng kanilang kauna-unahang major concert sa Newport Performing Arts Theater (NPAT) ng Resorts World Manila (RWM) sa darating na October 30 (Tuesday) , 2018 sa ganap na ika-8 ng gabi billed as Biyaheng Diyes: Mitoy Yonting & the Draybers (10th Anniversary Concert) na nakatakdang i-direct ng singer-turned stage concert director na si Paolo Valenciano.

JOHN LLOYD CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with