Maxine at Kylie
Kylie at Maxine hinasang maging promdi
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - October 12, 2018 - 12:00am

Hindi lang naman ganda ng pangangatawan ang bentahe nina Jake Cuenca, Diego Loyzaga, Marco Gumabao, Albie Casiño at Joshua Colet sa kanilang mga kasabayang artistang lalaki.

Mahusay din silang umarte. Mayro’n din silang kakayahang magsalita at sumagot ng maayos sa kanilang mga interview. Advantage nila ang pagkakaroon ng abs kumpara sa mga kaedad nilang mga leading man din. Kaya naman walang taros ang paghuhubad nila sa mga pictorial para sa serye nila para sa Precious Romance Presents Los Bastardos.

Palabas na ang Los Bastardos sa ABS-CBN sa October 15 pagkatapos ng It’s Showtime. Pinakaaabangan ito ng mga kababaihan, kalalakihan lalo na ng mga kabadingan hindi lamang sa sexy stars ng series na bukod sa limang lalaking bida ay nagtatampok din sa mga beauty queens na sina Maxine Medina at Kylie Versoza, Jane Oi­neza at Ritz Azul. Tanging ang pinaka-wholesome lamang na si Mary Joy Apostol ang hindi bibigyan ng mga ganitong eksena ng mga direktor ng serye na sina Raymund Ocampo at Digo Ricio. Babalik din sa serye sina Rosanna Roces na nagkaro’n ng dep­resyon nang mawala ang apo niya, Efren Reyes Jr., Isabel Rivas at Joyce Ann Burton. Sumabak naman sa matitinding workshop sina Kylie at Maxine para mawala ang kanilang mga beauty queen-like na kilos dahil mga probinsyana ang mga role nila. Sama rin sa serye sina Perla Bautista, Lito Pimentel, Jeffrey Santos, Pinky Amador, Ana Abad Santos, Bert Reyes at Ronaldo Valdez.

Nikki nag-iipon  para sa itatayong cake shop

Marami ang natutuwa para kay Nikki Valdez dahil natagpuan nito ang kanyang ikalawang glor­ya sa pagpapakasal kay Luis, isa ring Kapamilya pero, hindi isang artista kundi kabilang sa sales department ng network. Sayang at nasira ng naging aberya sa NAIA ang dapat sana ay kasal nila sa Hong Kong.  Magkakaro’n pa rin sila ng church wedding dito pero, inaayos pa nila ito.

Pangarap nila ito ng asawa niyang si Luis at ng anak ni Nikki na si Olivia. Bukod sa matagumpay niyang karera sa harap ng kamera, matagumpay din ang cake business niyang Miss Buttercream na sa bahay muna sinimulan pero, kapag nakapag-ipon na siya ng sapat ay magpapatayo rin siya ng isang cake shop.

Ricci may laban sa hubaran

Maganda rin ang pangangatawan ng bagong artistang si Ricci Rivero na bago pa nag-artista ay malaki na ang following dahilan sa pagiging mahusay niyang basketbolista, mula La Salle, Gilas Pilipinas at hanggang ngayong nasa Pamantasan ng Pilipinas (UP) na siya. Bida siya sa Otlum ni Joven Tan na entry sa MMFF 2018. First time niya sa silver screen at siguradong masusundan pa ito.

MAXINE MEDINA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with