Aktres sagad ang panunumbat na inabot sa dating asawa
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - October 12, 2018 - 12:00am

Kung tawagin ng puta ganun na lang

Kahit pa siguro kaladkarin ng kahit sino ang isang kilalang female personality ay hinding-hindi na talaga siya papayag na makipagbalikan pa sa aktor na kanyang pinakasalan.

?Sumusumpa ang kampo ng babaeng personalidad na lahat-lahat ng kababuyang puwedeng matikman ng isang babae ay ibinigay ng aktor sa kanya.

?Kuwento ng aming source, “Ikaw ba ang tawaging puta ng lalaking minahal mo at pinakasalan, papayag ka bang maging puta habambuhay? Grabeng magsalita sa kanya’yung guy!

?“Mas masakit pa nga kung tutuusin ang mga nanunugat na salita kesa sa physical abuse, di ba? Kaya kahit anong pilit pa ang gawin ng iba, e, talagang tatakas ang babaeng ‘yun sa mga karanasang pinagdaanan niya!” madiing simula ng aming source.

?Nagpa-sexy naman talaga ang babae nu’ng kasagsagan ng kanyang career. nagpakita siya ng katawan, nakipaghalikan sa kanyang leading men, dahil ‘yun ang hinihingi ng eksena.

?“Imagine, pareho naman silang artista, alam na dapat nu’ng guy na ang mga ginagawa ng girl, e, nang dahil lang sa professionalism. Kailangan lang ‘yun sa eksena, hindi naman nagboboluntaryo ang babae na makipaghalikan sa leading man niya.

?“Pero ginamit ‘yun laban sa kanya ng asawa niya, palaging ipinaaalala nu’ng guy sa kanya ang mga eksenang ginawa niya! Tama ba naman ‘yun? Magse-sex na lang sila, pero bigla siyang itutulak, dahil sa naalala lang ng lalaki ang mga eksenang ginawa niya?

?“May mga panahon pang tumatanggi sa pakikipag-sex ang girl dahil sa sobrang pagod, pero ano ang napapala niya? Tatalak na ang guy, ipapaalala na naman ang eksenang ginawa niya nu’n katambal ang isang aktor.

?“’Yun daw ba kasi ang gusto niyang makasama sa kama? Gusto raw ba ng girl na tawagan niya ang male personality, para sila ang mag-sex? Nakakaloka!

?“Para palang ipinaglihi sa churva ng baboy ang lalaking ‘yun! Parang hindi bagay sa isang machong lalaki ang magtatalak, pero ganu’n pala katindi ang bibig niya!

?“Nakawala na sa kanyang kulungan ang babae, tapos na ang masasakit niyang karanasan, dahil malaya na siya ngayon. Napawalang-bisa na ang kasal nila na ipinagpasalamat nang paluhod ng girl nu’ng magsimba siya!” pagtatapos ng aming impormante.

?Ubos!

Gretchen biglang kambyo, mga kasama sa TV Patrol nakaladkad

Nakaladkad ang pangalan nina Ted Failon at Kabayang Noli de Castro sa pagdedemanda ng star patroller na si Gretchen Fullido sa dalawa nitong boss ng departamento ng News ng ABS-CBN.

?Lumutang ang pangalan ng dalawang news anchor dahil sa pagbibigay ng halimbawa ni Ces Drilon, na kinasuhan naman ng libelo ni Gretchen, tungkol sa mga panunuksong ginagawa ng kanilang mga kasamahan sa akto ng pagdadamit ng star patroller.

?Pero walang direktang sexual harassment na ginagawa sina Ted Failon at Kabayang Noli kay Gretchen, kantiyaw lang ‘yun, dahil sa sobrang seksing pananamit ng dalaga.

?Kahit naman sinong lalaki ay gagawin ang ganu’n kapag nakita si Gretchen. Kakapiranggot lang ang kanyang suot, sapat lang na matakpan ang kanyang mga dibdib (na lumuluwa pa rin), saka ang kanyang ibabang bahagi na kahit may takip na ay hulmado pa rin.

?Sinong lalaki ang magpapalampas sa ganu’ng itsura? Kahit sa pamamagitan ng mga bulungan lang ay magkakasala talaga ang kahit sinong makakakita sa babaeng ito na parang nang-iimbita ng kahalayan.

?Kung ayaw ni Gretchen na makatanggap ng mga ganu’ng klase ng reaksiyon ng mga kalalakihan ay umayos siya, magdamit siya nang ayon sa okasyon, hindi niya naman kailangang balutin ang kanyang katawan para respetuhin siya.

?Pero muli, ang pisikal na anyo ni Gretchen Fullido ay hindi sapat para molestiyahin siya, lalo na kung sapilitan ang paraan ng pagkuha sa kanyang pagkababae.

?Feeling man ni Gretchen ay napakaganda niya dahil sa kanyang pagdedemanda sa mga tibo niyang dating boss, may karapatan pa rin siyang magsampa ng kaso, bahala na ang piskalya sa paghusga kung sino sa dalawang kampo ang mas may kapani-paniwalang salaysay.

?Nu’ng huling mapanood namin si Gretchen Fullido sa TV Patrol ay may mga raffles na disenyo na ang kanyang damit. Hindi na nakalitaw ang kanyang dibdib. Medyo humaba na rin ang kanyang damit, nagdagdag na siya ng tela, dahil alam niyang huhusgahan siya ng hustisya ng bayan sa kanyang itsura.

GRETCHEN FULLIDO
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with