Eric masaya sa pagkakapili ng One Great…
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - October 11, 2018 - 12:00am

Magkasama sa Busan International Film Festival sa South Korea sina Eric Quizon at Roselle Monteverde pero nakarating agad sa kanila ang good news na official entry sa Metro Manila Film Festival 2018 ang One Great Love, ang love story movie na pinagbibidahan nina Kim Chiu, Dennis Trillo at JC De Vera.

Sure ako na maligayang-maligaya si Eric dahil siya ang direktor ng One Great Love at may special participation siya sa pelikula.

Bago pa nagkaroon ng announcement noong Martes, hoping si Eric na mapipili ang One Great Love dahil ipinagmamalaki niya ang bagong movie project sa Regal Entertainment Inc.

Mabilis na natapos ni Eric ang shooting at post production ng One Great Love kaya hindi siya nagkaroon ng problema sa deadline ng Selection Committee ng MMFF.

Siyempre, natuwa ang entertainment press sa inclusion ng One Great Love sa film festival sa December dahil  masaya sila para sa Regal Entertainment Inc. na malaki ang pagpapahalaga sa mga showbiz reporter.

Kahit madalas na nagbibiro si Mother Lily Monteverde na krung-krung siya, kabilang siya sa iilang producer ng mainstream movies na nagbibigay ng importansya sa entertainment writers.

Sa kanyang mga speech, hindi nakakalimutan ni Mother na pasalamatan ang pagtulong ng showbiz reporters sa lahat ng mga pelikula ng Regal Entertainment Inc.

Laging kontrobersiyal!

Never na nawalan ng kontrobersya ang Metro Manila Film Festival dahil taun-taon na lang, may isyu na pinagpipistahan at may mga kabuntot na intriga ang mga pelikula na pinipili na official entries.

Noong Martes, October 9, ang official announcement ng Final 4 movies na kukumpleto sa Magic 8 ng 2018 Metro Manila Film Festival.

Alas-dos nang hapon ang imbitasyon ng MMFF Executive Committee sa entertainment press pero na-delay ng dalawang oras ang announcement dahil matindi ang balitaktakan ng Selection Committee.

Ang Club Filipino ang venue ng announcement at mabilis na kumalat ang balita na may sigawan na naganap sa pagitan ng mga member ng Selection Committee.

Sobrang tensyon daw ang nangyari kaya parang minadali ang announcement sa apat na pelikula, ang Rainbow Sunset ng Heaven’s Best Entertainment Productions, Mary, Marry Me ng Ten17 Productions, Otlum ng Horse Shoe Productions at One Great Love ng Regal Entertainment Inc.

ERIC QUIZON METRO MANILA FILM FESTIVAL 2018
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with