Cheryl at Gretchen
Palitan ng text messages nina Gretchen, inilantad ni Cheryl Favila
(Pilipino Star Ngayon) - October 11, 2018 - 12:00am

SEEN: Inilabas ni Cheryl Favila ang kumpletong kopya ng palitan nila noon ni Gretchen Fullido ng mga text message pero negatibo ang mga komento ng publiko na sumusubaybay sa kaso nila. Si Favila ang former ABS-CBN News executive na inireklamo ni Gretchen ng sexual harassment sa Quezon City Prosecutor’s Office.

SCENE: “I never sexually harassed Gretchen Fullido” ang may paninindigan na pahayag ni Cheryl Favila na karelasyon ni Maricar Asprec, ang ABS-CBN News segment producer na kinasuhan din ni Fullido ng sexual harassment.

SEEN: Nakatutok, nakasubaybay at may mga report ang GMA News sa kaso ng sexual harassment ni Gretchen Fullido laban sa mga dating executive ng ABS-CBN.

SEEN: Si Marco Gumabao ang co-star ni Anne Curtis sa Aurora, ang suspense-thriller movie ng Viva Films na official entry sa 2018 Metro Manila Film Festival.

SEEN: Ang reklamo ng ibang mga movie producer sa 2018 Metro Manila Film Festival na nasayang lang ang pagdalo nila noong Martes sa announcement ng four remaining entries dahil hindi man lamang sila ipinakilala. Ipinakita lang ang trailer ng Fantastica, Jack Em Popoy: The Puliscredibles, The Girl in the Orange Dress at Aurora sa MMFF 2018 announcement sa Club Filipino.

SCENE: Pahinga muna si Benjamin Alves sa taping ng Kapag Nahati ang Puso dahil namatay ang tatay niya noong Martes kaya umuwi siya sa Guam. Nasa taping si Benjamin ng Kapag Nahati ang Puso nang matanggap niya ang malungkot na balita.

GRETCHEN FULLIDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with