Jason
Jason ginawang peg ang gf sa pagiging bading
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - October 10, 2018 - 12:00am

Masasabing mas malaki ang role ni Rayver Cruz sa isang serye na pagsasamahan nila ng dati ring Kapamilya na si Jason Abalos. Mahigit lamang dalawang linggo mapapano­od ang character ni Jason at makatapos ma­ka­pagladlad at maging ganap na babae ay papalitan na siya ni Thea Tolentino. Bago ito, asawa siya ni Kris Bernal na hindi batid ang kanyang pagiging isang bakla.

Si Rayver ang balikbayan na muling nagpatibok ng puso ni Rachel (Kris) pero, nakatakdang ikasal kay Castriona, ang bagong character ni Nathan (Jason) na ginawang isang ganap na babae sa pamamagitan ng isang medical procedure na isinagawa sa kanya sa Amerika.

First time na mag-portray ng isang gay role ni Jason. Inamin niyang na­ging peg niya sa kanyang role ang nob­yang si Vicki Rushton. At puma­yag siya kahit maikli ang role dahil napaka-challenging nito. Pinakanahirapan siya sa pagsusuot ng 5 inch high heels at pakikipag-love scene kay Matthias Rhodes. Workshop lamang ang nagpadali ng kanyang trabaho at matiyagang guidance ng kanilang direktor na si Mark Sicat dela Cruz. Sinabi rin niyang gumamit siya ng stockings para maitago ang kanyang balahibo sa binti at ang kanyang ari para hindi ito bumukol sa kanyang damit.

Kasama sa Karibal Ko, Asawa Ko na magsisi­mulang mapanood sa October 22 tuwing hapon sa GMA sina Lotlot de Leon, Devon Seron na tulad nina Jason at Rayver ay galing din ng ABS-CBN, Annalyn Barro, Caprice Caye­tano, Jean Saburit, Ricardo Cepeda, Maricris Garcia at Phil Noble. Sayang at wala sa mediacon si Kyline Alcantara na siyang kumanta ng theme song ng series.

Loisa may selos sa bago ni Maris

Ikatutuwa ng fans nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte na patuloy pa rin ang magandang relasyon nila, hindi pa sila break o naghihiwalay. Nabalitang naghiwalay ang dalawa dahil diumano sa isang third party sa panig ni Loisa na pinabulaanan niya.

Pero inamin niya ang pagtatampo sa BFF niyang si Maris Racal dahil may bago na itong kaibigan pero, hangad niyang muling mabalik ang kanilang friendship. May pelikula siyang kasama sa Cinema One Originals. Ito ang Hospicio na ina­asahang mag-i-establish sa kanya bilang isang importanteng artista.

Sharlene at Nash may second chance

Si Sharlene San Pedro ang bagong kapareha ni Nash Aguas sa Class of 2018, isang horror movie. Launching film ito ng tambalan ng dalawa na dating itinatambal sa iba pero, silang dalawa pala ang magkakasama.

Mukhang tuluy-tuloy na ang paghihiwalay ng karera nina Nash at Alexa Ilacad na nauna nang tinanggap ang loveteam pero, maghihiwalay din pala. Buti na lang at pareho silang maga­ling na artista, keri nilang wala ang isa’t isa. Nasa direksyon ni Charliebebs Gohetia ang Class of 2018.

Piolo tumanggap ng award sa Busan

Si Piolo Pascual ang nakatanggap ng Marie Claire Asia Star Awards sa Busan International Film Festival. Kasama ang Kapamilya actor na dumalo sa Busan, South Korea bilang delegado ng Film Development Council of the Philippines  (FDCP) sa pangunguna ni Chairman Liza Diño para suportahan ang 10 pelikulang Pinoy na kasali sa BIFF. Kasama ni Papa P sina Max Collins, Sandy Andolong, Christopher de Leon, at Joel Torre at ang mga direktor na sina Brillante Mendoza, Kidlat Tahimik at Joyce Bernal.

In exhibition ang 10 Pinoy classic films na Portrait of the Artist as Filipinos (1965), Lamberto Avellana; Ganito Ka­mi Noon, Paano Kayo Ngayon (1976), Eddie Romero; Tat­long Taong Walang Diyos (1976), Mario O’Hara; Ang Panday (1980), Fernando Poe, Jr.; Cain at Abel (1982), Lino Brocka; Moral (1982), Mari­lou Diaz Abaya; Himala (1982), Ishmael Bernal; Bayaning Third World (2000), Mike de Leon; Dekada ‘70 (2002), Chito Roño; Ang D­­a­mgo ni Eleuteria (2010) Remton Siega.

In contention naman ang mga lumabas na pelikula nga­yong 2018, ang Citizen Jake, Mike de Leon; Alpha the Right to Kill, Brillante Mendoza; The Eternity Between Se­conds, Alec Figuracion; Gusto Kita with All My Hypo­thelamos, Dwein Baltazao; Lakbayam, Lav Diaz, Brilla­te Mendoza at Kidlat Tahimik; at Signal Rock, Chito Roño.

Serye ni Ken, all out sa promo

All out ang GMA para i-promote ang My Special Tatay. Lulusu­bin ng cast ng serye ang Robinson’s Star Malls Pampanga ngayong Linggo para mapasaya ang mga suki nila ng serye sa pangu­nguna nina Ken Chan, Arra San Agustin, Jillian Ward, Rita Daniela, JK Gidukos. Special guest nila ang Millennial Trio nina Joshua, Bryan at Kim. 

JASON ABALOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with