Pauleen, gusto pang dagdagan ng pito ang anak kay Bossing
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - September 29, 2018 - 12:00am

Sobrang na-enjoy nang husto ni Pauleen Luna ang negosyo niyang Talitha candles dahil sa rami ng orders.

Kaya lang medyo irita si Pauleen nang nakatsikahan namin sa Eat Bulaga kamakalawa lang dahil natigil pala ang paggawa niya ng kandila.

“Paano, natigil ang pag-deliver sa akin ng soya dahil sa Ompong,” parang iritable na sabi sa akin ni Pauleen. Tatlong linggo raw siyang na-out of stock dahil wala na raw siyang materyales na magamit.

Hindi pa raw niya alam kung kailan magkaroon ng stock ng soya kaya hindi muna siya tumatanggap ng orders.

Proud na proud si Pauleen na kinukuwento sa akin na napakabait daw ng anak niya at hindi nagmamaldita sa mga gustong magpalitrato.

Minsan daw napapagod na siya sa mga nagpapalitrato, nakakatulog na lang daw itong nagpapa-picture.

Ngayon ay ready na raw si Pauleen na masundan si Talitha.

Gusto na raw niyang mabuntis next year dahil keri na raw niyang alagaan si Talitha kahit buntis na siya.

Sabi raw ng doktor niya, puwede pa siyang magka-baby kahit pito.

Type na type naman ni Pauleen ang maraming anak na aalagaan.

Ejay manghang-mangha sa mga nakatrabaho sa Korea

Kararating lang ni Ejay Falcon mula Korea kung saan nag-taping siya roon ng isang Koreanovela na Where Stars Land na pinagbibidahan nina Chae Soo-bin at Lee Je Hoon. Sikat daw iyun sa Korea at ang direktor nila ay yung direktor ng Lovers in Paris.

Kasama rin ni Ejay dito si Lauren Young na manghang-mangha rin daw kung paano magtrabaho ang mga Koreano.

Nanibago raw siya nung una na pagdating na pagdating daw niya ng airport sa Seoul, Korea, deretso na raw siya sa set. Hindi na raw siya pinadaan ng hotel.

“Dumating ako sa airport mga 4 ng umaga, tapos kinol ako ng 6.

“Hindi na nila ako pinapunta ng hotel. Wala akong ligo-ligo, straight from the airport. Hindi na raw ako puwedeng dumaan ng hotel para maligo lang kasi magkakaroon daw ng delay ang shooting nila. Buong araw eksena ko lahat. Iyun pa pinakamabigat ko na eksena, tapos aksyon pa,” kuwento ni Ejay.

Wala raw pa-star doon kahit sikat na sikat ang mga Korean actors na kasama niya. “Walang petiks dun, pagdating sa trabaho. Iba dun. Kahit wala ka sa eksena, dapat dun ka pa rin nakatutok. Bawal nga cellphone dun. Wala kang nakikitang nagsi-cellphone. May disiplina sila sa trabaho. Gusto ko paano sila magtrabaho.

“Parang pelikula ang atake namin dito eh, pero TV series siya.

“Seryoso sila sa trabaho, Hindi sila bumibitaw sa karakter.

“Sana ganun ang trabaho sa atin, kasi mas mabilis at quality naman talaga,” dagdag niyang pagsalaysay sa amin.

Advanced pa raw ang mga gamit sa taping kaya mabilis daw silang magtrabaho, kahit napakabusisi raw ng direktor. “Hindi naman sa pag-ano ha? Yung artista nila maganda na sa personal at guwapo. Pero pag pinanood mo sa screen ang ganda pa nila lalo.

“Ano sila eh…maganda ang ilaw, iba ang kamera nila, yung lente siguro nila medyo advanced sila kesa sa atin.

“Wala kang nakikitang kable dun sa set. Walang genet (generator), kaya ang bilis lumipat ng set. Mabilis sila. Pero hindi katulad dito sa atin na nakakatapos tayo 40 to 60 sequences, sa kanila marami na ang anim. Kasi isang eksena ang tagal nila gawin. Parang pelikula talaga,” saad ni Ejay.

PAULEEN LUNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with