Direk Paul at Edward
Direk Paul napabilib kay Edward
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - September 27, 2018 - 12:00am

Kasama si Edward Barber sa pelikulang First Love na pinagbibidahan nina Bea Alonzo at Aga Muhlach. Ipalalabas na sa mga sinehan sa October 17 ang pelikulang ito na ginawa ni Paul Soriano.

Ayon sa direktor ay talagang nakitaan niya ng potensyal si Edward bilang baguhang aktor. “This kid is definitely gonna be the next big something. He takes his craft very seriously. He’s got all the makings to become a best actor. He was very attentive. What I like about him is when I talk, when I would talk, he was listening. But at the same time, he was also collaborating. He was also giving me his thoughts. And for a young actor, that’s quite brave. Because usually ‘yung mga young actors today, they just listen. And with Edward, hindi gano’n eh, he’s very collaborative,” pagbabahagi ni Paul.

Nagulat umano ang direktor dahil kinayang sabayan ni Edward sina Aga at Bea sa mga eksena. “The biggest revelation for me was Edward Barber. To be honest with you, he hasn’t done much. He did a film and some TV works so my expectations were, ‘Okay I’m gonna help him,’ pero wala eh. Okay na siya, konting upo na lang. And to be able to carry a scene with Aga Muhlach and Bea Alonzo, parang he’s been doing it for many years. Ang galing lang niya, he did very well,” kwento ni direk Paul.

Alice, natutuwa na kinaiinisan siya

Sa Sabado na gaganapin ang pinakaaabangang ABS-CBN Ball sa Shangri-la Hotel sa Makati.

Tinatayang mahigit limangdaang mga artista ang dadalo sa nasabing event. Excited na si Alice Dixson na makisaya sa ball kasama ang ibang Kapamilya stars.

“Just to meet the expectations of everybody who’s there. The pressure is on the artist. Kasi we as artists, extensiontayo ng ating kompanya. We represent ABS-CBN. We always want to look our best,” nakangiting pahayag ni Alice.

Masayang-masaya ang aktres ngayon sa kanyang career dahil muli siyang nakabalik sa Kapamilya network. “It’s been a long time na gusto kong bumalik sa ABS-CBN and it took a long time bago ko naumpisahan ang aking first show, and finally I’m back. I’m very happy na kahit magkaroon ako ng problema man, lagi akong may nalalapitan sa ABS-CBN kaya maraming salamat po,” dagdag ng aktres.  

Napapanood si Alice gabi-gabi sa te­lesereng Ngayon at Kailanman na pinagbibidahan nina Julia Barretto at Joshua Garcia. Kontrabida ang karakter ni Alice sa serye na kinaiinisan ng mga manonood.

“Natutuwa ako na naiinis sila. Natutuwa ako na hindi nila pine-personal. Mas mature ngayon ang ating audience, hindi tulad noon na ‘pag gumawa ka ng kontrabida roles galit na sila agad sa ‘yo. Happy naman ako and happy rin ako sa tinatakbo ng aming show,” pagbabahagi niya.

May karakter din ang aktres sa FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin pero hindi lumalabas sa ngayon. “Sworn in pala siya. So that automatically means Catherine is first lady now. Although nasa abroad siya, first lady na siya. Hindi nga lang natin siya nakikita so abangan na lang kung ano ang mangyayari,” natatawang pagtatapos ng aktres.

EDWARD BARBER PAUL SORIANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with