^

PSN Showbiz

Pagbubuntis ni Marian super trending, DINGDONg atras sa pulitika!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Pagbubuntis ni Marian super trending, DINGDONg atras sa pulitika!

MANILA, Philippines — Magiging ate na si Zia Dantes.

Kahapon nga ay inamin na ni Marian Rivera na magkaka-baby na uli sila ni Dingdong Dantes.

Matagal nang obvious ang pagbubuntis ng Kapuso Queen pero ayaw niyang magsalita, laging sagot niya ‘soon.’

Pero kahapon nga ay pinagtapat na niya. “My heart overflows with gratitude and humility. Dong and I, with our Zia, have been gifted with the miracle of life! Looking forward to meeting our ‘little one’ soon. #YesImBuntis,” caption niya sa 4D copy ng baby.

Dagsa agad ang mga bumati sa mag-asawa kasama na sina Anne Curtis and Sharon Cuneta.

Anyway, magkasunuran ang post ng mag-asawa kahapon. Si Dingdong ay nilinaw na hindi siya kakandidato sa 2019 kahit marami nga ang nag-eenganyo na pasukin niya ang pulitika.

“Kung gagawa ako ng malaking hakbang para sa darating na halalan, hindi lamang isang simpleng decision-making ang dapat kong pagdaanan. I should be able to discern His Will and seek guidance.

“And in the process of my discernment, I received His response in the most surprising and beautiful way. With overflowing joy, Ma-rian and I, are happy to share with everyone that we have been blessed with another child! Natupad na rin ang matagal ng dasal naming mag-asawa, lalung- lalo na ni Zia.

“At sa kabila ng buong suportang ibibigay sa akin ni Marian, ng buong pamilya, at mga kaibigan sa anumang magiging desisyon ko sa pagsabak sa pulitika, malinaw sa akin na sa panahong ito ay kailangan kong maging buo para sa aking pamilya.

“My discernment revealed what is truly important in my life— panahon ito para suportahan ang pagdadalang-tao ng aking asawa,” bahagi ng pahayag ng actor sa kanyang Instagram post kahapon.

“Sa lahat nang humihikayat sa aking lumaban sa darating na eleksyon, salamat sa inyong tiwala at suporta. Ngayon, habang nag-aaral, nag-hahanda, at naglilingkod ako bilang isang volunteer at private citizen, umaasa akong patuloy pa rin ang ating pagtutulungan para sa ikabubuti ng ating bayan, sa anumang paraan— maliit man o malaki, may posisyon man o wala,” paliwanag ng actor na tumatayong Commissioner-at-Large ng National Youth Commission, at tumulong sa YesPinoy Foundation at ng YesPH Community Development.

Congrats Dong and Yan.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with