^

PSN Showbiz

Kahit nakakulong, Bong malaki ang partisipasyon sa Tres

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kahit nakakulong, Bong malaki ang partisipasyon sa Tres
Bong

Naniniwala si Jolo Revilla na higit na lalabas na maganda ang Tres kung kasama sa cast ang tatay niya na si Bong Revilla, Jr.

Kahit walang eksena si Bong sa action movie na pinagbibidahan ng kanyang mga anak na sina Bryan, Jolo at Luigi, mararamdaman ng moviegoers ang malaking participation niya sa Tres.

Nakakulong man si Bong sa Camp Crame, tinutukan at binusisi niya ang shooting ng Tres sa pamamagitan ng madalas na pakikipag-meeting sa scriptwriter at mga direktor ng comeback movie ng Imus Productions.

Beterano na si Bong sa paggawa ng pelikula kaya itsurang nakapikit, gamay na gamay niya ang industriya na mahal na mahal at malapit na malapit sa kanyang puso.

Ang pagtutok ni Bong sa shooting ng Tres ang isa sa mga ikinuwento ni Jolo sa grand presscon ng pelikula nila noong Lunes.

“Kumbaga, ginawa namin ito para sa kanya  (Bong) and of course, para makatulong din tayo sa industriya.

“Ultimo sa paggawa ng script ng Tres, halos every week, pinapupunta niya sa Camp Crame ‘yung mga scriptwriter saka mga director. Ganoon siya katutok hanggang sa huli.

“Talagang hands on siya. Actually mahirap ito para sa kanya dahil hindi niya nakikita kung ano yung nagawa namin pero isang malaking sorpresa ito para sa kanya, sobrang maganda yung pelikula at pinaghirapan ng lahat,” ang sharing in the city ni Jolo sa presscon ng Tres.

Assunta aminadong ‘old balls’ ang market

Nagkamali si Assunta de Rossi sa sinabi nito sa presscon ng Tres.

R13 ang Tres ang nabanggit niya kaya nagulat pa siya nang sabihin sa kanya na R16 ang pelikula na hardcore ang mga action scene.

Nagbiro si Assunta na kung nalaman agad nito na R16 ang Tres, itinodo na sana niya ang mga maiinit na eksena nila ni Luigi sa Amats episode.

Cougar ang role ni Assunta sa Amats pero kinontra niya agad ang mga malis­yoso na nagbabalak na bigyan ng ibang anggulo ang pagtatambal nila ni Luigi.

Prangkahan na nag-dialogue si Assunta na mga “old balls” ang market niya kaya mabibigo ang mga nagbabalak na i-link siya sa anak ni Bong.

Tawang-tawa ang lahat sa mga pralala ni Assunta na hindi ilusyonada dahil aminado siya na out of shape na ang kanyang katawan na ibang-iba sa Assunta na napanood noong 2002 sa Kilabot at Kembot, ang unang movie team up nila ni Bong.

At the time, seksing-seksi si Assunta at siya ang pantasya noon ng halos lahat ng mga kalalakihan.

In fairness kay Assunta, hindi lamang siya sexy dahil bonggang-bongga rin ang acting talent niya. Sunud-sunod ang mga pelikula at television guestings noon ni Assunta na maaga na nagpakasal kay Congressman Jules Ledesma.

Going strong ang relas­yon nina Assunta at Papa Jules. Very comfortable ang pamumuhay ni Assunta kaya nakakapamili na siya ng mga project na tatanggapin.

Hindi na nga niya kailangan na magtrabaho pero hindi na talaga mawawala sa kanyang sistema ang pag-arte.

Memorable kay Luigi ang mga eksena nila ni Assunta dahil ito ang nag-guide at nag-adjust sa kanya.

Si Luigi ang nagkuwento sa press na nag-sorry si Assunta matapos kunan ang torrid kissing scene nila.

Natatandaan ni Assunta na nag-apologize siya kay Luigi pero nakalimutan niya ang dahilan ng kanyang paghingi ng paumanhin.

vuukle comment

BONG REVILLA JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with