^

PSN Showbiz

Young singer/actress laging bitbit ang buong pamilya sa taping

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Hindi yata aware itong si young singer/actress na pinagtsitsismisan na siya ng mga staff ng mga programang nilalabasan niya dahil karay-karay daw niya ang kanyang buong pamilya sa taping.

Regular o kahit guesting, join daw ang buong pamilya para bantayan siya.

Hindi naman siya child star para bantayan ng buong pamilya, pero kasama raw lagi ang nanay, tatay, kapatid, minsan pati pamangkin at ilang alalay.

Ang tsismis tuloy sa kanila, gusto lang yata ng pamilya ni singer/actress na makalibre ng lunch, merienda at dinner kaya lagi silang kasama kahit saan nagtatrabaho itong si singer/actress.

Ganun na ang reputasyon sa kanya ngayon dahil sa sangkatutak na kasama nitong si singer/actress.

Sana makarating sa kanya ito para magdahan-dahan naman sila.

Mapigilan pa kaya? Show ni Regine may season 2 na!

Sa Linggo, September 30 na ang finals ng The Clash na naglikha na ng ingay ngayong matatapos na ito.

Anim na magagaling na clashers ang maglalaban-laban at ngayon pa lang ang dami na naming nababasa sa social media kung sino ang bet nilang manalo at tanghaling the first-ever The Clash champion.

Nasubaybayan ko ang halos lahat sa kanila, at ang pinaka-bet ko talagang manalo ang tinaguriang Tower of Power ng Olongapo na si Garrett Bolden. Pero nabalik si Jon Madaliday ng North Cotabato na napakagaling din kaya puwedeng lalaban din siya.

Magagaling naman silang lahat, at mukhang magka-career naman sila manalo o matalo man sa kumpetisyong ito.

Dahil sa magandang feedback at mataas na rating ng The Clash, kinumpirma na rin mismo ni Ma’am Lilybeth Rasonable na merong second season.

Itong announcement ng Season 2 ang isa sa pasabog ng The Clash na ikinagulat daw ni Regine Velasquez.

Siya pa rin kaya ang host ng Season 2 o talagang itutuloy niya ang paglipat?

Samantala, nag-agree rin si Ma’am Lilybeth na dapat kasama ang mga clasher sa musical show na gagawin nila.

Ipinost nga ni Mark Bautista ang meeting ng bagong show na gagawin niya sa GMA 7 kasama ang iba pang Kapuso stars.

Ang narinig ko lang kasama ang top six clashers na sina Anthony Rosaldo, Garrett Bolden, Golden Canedo, Mirriam Manalo, Josh Adornado at Jong Madaliday.

Abangan itong pagtatapos ng The Clash na kung saan magtatanggal pa ng isa sa Sabado, September 29. Kaya lima na lang ang maglalaban laban sa finals kinabukasan.

Tofarm Entries mapapanood sa piling sinehan

Mapapanood pala uli ang ilang entries ng TOFARM Film Festival sa ilang sinehan dahil sa maganda ang feedback at kinalabasan nito sa takilya,

Simula ngayong araw, mapapanood sa Gateway, Greenbelt 1 at Trinoma ang mga pelikulang Tanabata’s Wife, Alimuom, Sol Searching at Mga Anak ng Kamote.

Pawang nagka-award ang naturang pelikula at maganda ang resulta sa takilya kaya magkakaroon ito ng extension sa tatlong sinehan.

Puwedeng ma-check sa website ng TOFARM ang schedule ng screening ng mga pelikulang ito.

vuukle comment

REGINE VELASQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with