^

PSN Showbiz

Libro ni Jake Zyrus pinalagan, puro raw kasinungalingan sabi ng nanay!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Libro ni Jake Zyrus pinalagan, puro raw kasinungalingan sabi ng nanay!
Jake

Jenine at Janella nagkaayos na

SEEN: Ang cryptic message ni Jenine Desiderio tungkol sa physical violence noong September 20 ang sinasabing dahilan kaya nagkasundo na sila ng kanyang anak na si Janella Salvador.

SCENE: Makahulugan din ang Twitter post ni Janella Salvador tungkol sa violence against women noong September 9, 2018: “I think everyone deserves someone who does not hurt them regardless if they’re drunk or not. Men who are raised properly are never supposed to hurt women no matter what.”

SEEN: Hindi memoryado ni Erik Santos ang lyrics ng Batang Bata Ka Pa sa production number nila kahapon sa ASAP ng mga child star ng Ang Probinsyano.

SCENE: Mga bayolente ang lahat ng mga reaksyon sa rebe­lasyon ni Jake Zyrus sa biography book nito na biktima siya ng child abuse ng kanyang nanay na si Raquel Pempengco. Walang nakikisimpatiya kay Jake.

SEEN: Lumawak ang gap ni Jake at ni Raquel dahil nagalit ito sa mga diumano’y kasinungalingan na inilabas ng kanyang estranged daughter sa biography book nito.

SCENE: Hindi na matutuloy ang reunion movie nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta. Nagiging gentleman lang si Gabby sa mga pahayag nito tungkol sa kanyang ex-wife pero hindi na siya interesado na gawin ang kanilang reunion movie.

SEEN: Mapapanood sa linggong ito ang guesting sa Victor Magtanggol nina Glaiza de Castro, Kylie Padilla, Gabbi Garcia at Sanya Lopez. Inaasahan na makakatulong sa rating ng show ni Alden Richards ang special appearance ng apat na Sang’gre ng Encantadia.

SCENE: Comedy, hindi heavy drama ang Pamilya Roces, ang primetime television series ng GMA 7 na ipapalit sa Inday Will Always Love You.  Sa October 8 ang pilot telecast ng comeback project ni Joel Lamangan sa Kapuso network.

SEEN: Nagiging magkamukha na sina Ethel Booba at K Brosas habang nagkakaedad sila. Parehong magaling na singer sina Ethel at K.

vuukle comment

JAKE ZYRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with