^

PSN Showbiz

Bea at Charo naudlot sa MMFF!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Bea at Charo naudlot sa MMFF!
Charo

Labing-anim na finished film pala ang na-submit sa Metro Manila Film Festival nung nakaraang Biyernes, September 21.

Sayang at hindi na itinuloy ng Star Cinema ang horror film nilang Eerie nina Charo Santos at Bea Alonzo na dinirek ni Mikhail Red dahil dalawa na pala sa Star Cinema ang nakapasok sa unang batch ng entries na in-announce. Ito yung Fantastica ni Vice Ganda kasama sina Dingdong Dantes at Richard Gutierrez, at co-producer sila sa Girl in the Orange Dress nina Jericho Rosales at Jessy Mendiola.

Ang alam ko kasi, kailangang makapag-submit ng horror film dahil iyun ang genre na wala sa unang apat na pinili. Suspense thriller naman daw itong Aurora ni Anne Curtis ng Viva Films.

Sisimulan na raw ng screening committee na panoorin ang labing-anim na pelikulang isinumite at pagkatapos nito, magkakaroon ng deliberation na pangungunahan ng head ng Selection Committee, ang National Artist na si Bienvenido Lumbrera.

Romnick pinagbawalan ang anak na panoorin siya

Isa sa nag-submite ng finished film ay ang Heaven’s Best Entertainment ni Harlene Bautista na pelikulang Rainbow’s Sunset na dinirek ni Joel Lamangan.

Naimbitahan kami nung cast party nito nung nakaraang linggo pero hindi na nakarating ang mga main cast na sina Sunshine Dizon, Aiko Melendez, Eddie Garcia, Gloria Romero, Tony Mabesa at marami pa.

Napagod na yata sila sa pictorial, kaya napagod na kinagabihan.

Nakatsikahan namin doon ang mga batang kasali sa pelikula na sina Noel Comia Jr., Ace Café, at ang 18-year old daughter nina Harlene at Romnick Sarmenta na si Zeke Sarmenta.

Kuwento nga ni Zeke sa amin, nung sobrang bata pa raw sila, hindi raw nila alam na artista ang mga magulang nila.

As much as possible, ayaw pala ni Romnick na pano­orin ng mga bata ang mga pelikula nila. Lalo na raw kapag kontrabida siya sa pelikula o sa isang tele­serye, “kasi bata ka pa. I don’t want you to see me like that,” sabi ni Romnick sa kanila.

John Prats nilalait sa direction ng concert ni Erik, Morisette pumiyok na naman

Sold-out at punung-puno ang Kia Theater sa Adrenaline Rush concert ni Alden Richards nung nakaraang Biyernes, September 21.

Ang isa pang nakakaloka ay ang concert naman ni Erik Santos nung nakaraang Sabado, September 22 na inabot din daw ng madaling araw.

Si John Prats ang nagdirek ng concert ni Erik, na hindi gaanong maganda ang feedback.

Sobrang harsh ang comment ng iba na nakakahiya na lang isulat.

Kasabay ng concert ni Erik na nag-celebrate ng kanyang 15th anniversary sa showbiz, may concert din sina Lani Misalucha at Morissette na A Lani Morisette Journey sa Solaire Resort and Casino.

May nagpadala lang sa amin ng video ng isang number ni Morisette na pumiyok ito.

Kung hindi ako nagkamali, pangalawang show na itong pumiyok ang magaling na singer.

vuukle comment

CHARO SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with